Kabanata 79 LAMAN pa rin ng isipan ni Althea ang kanina'y pagtatagpo nila ni Peter. Hindi siya mapakali. Maimpluwensya ang mga Montecilio at paniguradong mahahanap sila nito kung baka sakaling magtagal sila rito sa bansa. Pero dalangin niya pa rin na hindi sila magkikita ni Homer. Bukod sa ayaw pa niya itong makaharap ay ayaw niya ring maging magulo pa ang kanyang isipan. Unti-unti na niyang naaayos ang kanyang sarili at ayaw niyang bumalik sa uno. "Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala Althea," wika ni Raven sa kanya na noo'y nakalapit. Hinarap niya ang lalaki at tipid na ngumiti, "magsisinungaling ako saiyo kung sasabihin kong okay na ang aking pakiramdam nang makita ko ang pinsan ni Homer. Ngunit, hindi iyon ang nararamdmaman ko. Nag-aalala ako na baka mahanap kami ng mga Montecilio,

