Kabanata 26 PAGKATAPOS nilang kumain ay agaran na rin silang bumalik sa kani-kanilang room. Ngunit hindi rin sila nagtagal roon dahil mayroon palang pool party na kanilang pupuntahan na kung saan sa pool lang na kanina nila pinaliguan. Sobrang madami nang tao sa pool at ang saya lang. “Okay lang ba dito si Brandon?” nag-aalalang tanong ni Homer matapos makita ang sobrang daming tao at ang ingay ng banda. “Hindi ko rin alam, e. Hindi ko pa kasi nadala si Brandon sa mga ganitong lugar kaya hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya.” Tiningnan ni Althea ang kapatid. Tahimik lang itong nakatingin sa maraming tao na nagsasayawan. “I think kailangan ko munang tawagan si Tita Vanessa para masigurong okay lang ba sa mga ganitong lugar si Brandon.” Nagpaalam saglit si Homer sa kanya u

