Kabanata 100 SOBRANG saya ng pakiramdam ni Homer dahil parang totoo ang ipinapakitang kabuthihan ni Althea sa kanya. Kahit papaano ay maayos na sila ngayon at sana lang tuluyan na talaga siyang napapatawad ng babae. Dahil sa iiwas na muna sila pamilya ng babae ay hiniyaan na lamang ni Homer sunduin ang kanyang mag-ina sa kapatid ng babae. Gusto pa sana niyang mas matalaga na makasama ang dalawa ngunit hindi na pwede dahil iba na ang sitwasyon ng noon at ngayon. Papasok na siya ng mansyon nang makasalubong niya si Shasmael. Mukhang hindi ito aalis at mananatili lang sa loob ng mansyon habang ang iba naman ay nagsi-alisan na dahil sa mga trabaho ng mga ito. “Ngayon ay pwede na naman siguro tayong mag-usap right? Sobrang dami mong ipapaliwanag sa akin Shasmael pero bago ‘yan gusto ko lan

