Kabanata 118 ALAM ni Homer na galit sa kanya ang abuelo matapos niyang ipagpilitan na hindi talaga sa kanya ang bata. Wala paman siyang matibay na ebidensya ay nakakasiguro siyang hindi niya anak ang lumabas sa sinapupunan ni Hazel. Umalis ang abuelo kasama si Cyrous. Gusto na rin sanang umalis ni Homer ngunit kanina pa siyang pinipigilan ng kanyang Kuya Douglas. Hindi nila pwedeng iwan ang dalaga na nasa ganoong kalagayan. “Gawin mo na lamang ito for the second time Homer, hintayin na lamang muna natin ang DNA result. May tatawagan akong specialist para kunan kayo ng sample dalawa ng bata,” mahinahong wika ng kanyang Douglas. Si Angel ang may hawak ng bata dahil ibinigay ito ng kanyang Tita Vanessa sa babae dahil mayroon pang mga pasyenteng kailangang puntahan ang doktora. “Masama ba

