KABANATA 56 (SA BINGIT NG KAMATAYAN)

1267 Words

Unti-unti nang nararamdaman ni Yvionna ang dahan-dahan na pagtangay sa kan'ya ng kamatayan. Ramdam niya ang labis na kirot na dulot ng balang tumama sa kan'yang dibdib. Pakiramdam niya ay mas lalo pa iyong bumabaon hanggang sa hindi na siya magising. At sa anumang sandali ay baka tuluyan na siyang mamaalam sa mundong ibabaw. Ramdam niya ang mga luha ni Arth na pumatak sa kan'yang mukha. Dama niya ang mga bisig nito na mahigpit na nakapulupot sa nanlalamig niyang katawan. Labis man na nanghihina ang katawan ay pinilit niya na imulat ang kan'yang mga mata. Kung sakali man na tuluyan niya nang tatalikuran ang buhay sa mundo ay nais niyang masilayan ang mukha ni Arth. Dahan-dahan niyang inabot ang mukha ni Arth at banayad niyang hinawakan. "P-patawad, A-Arth," putol-putol na mahinang sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD