CHAPTER 31 Sa tinagal- tagal kong nandito sa mundong ibabaw ay hindi pumasok sa isip ko na balang araw mayroong taong magbibigay sa akin ng bulaklak. Do I deserve it? “Para sa akin, Sir?” tanong ko sa kanya habang tinuturo pa ang aking sarili. Palipat- lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa mga bulaklak. Mga rosas iyon na kulay pink. Mula sa matingkad na kulay hanggang sa pinakamanipis. Sa bawat gilid ay humahalo ang kulay puti na rosas. “Accept it,” wika nito at muling inilahad sa akin ang mga bulaklak. Hindi ko alam ang aking gagawin. Bakas pa rin ang pagkagulat sa aking mukha. Dahil hindi pa rin ako naniniwala na mabibigyan ako ng bulaklak. Ang tanong, bakit niya ako bibigyan ng bulaklak? May nagawa pa ako? Wala naman akong ginawa! Ito ba ang paraan niya para magpasalamat sa aki

