CHAPTER 78 Hindi ko na napigilang bumuhos ang aking emosyon. Bakas ang pagkalito sa mga mata ni Isidro. “What do you mean by that, Ilaw?” tanong nito. Mapakla akong tumawa habang umiiling. Maang- maangan pa rin siya? Wala talaga siyang balak na aminin sa akin ang tungkol sa babaeng ‘yon? “Saan ka galing?” malamig na tanong ko sa kanya. Napaatras ito ng isang beses. Nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang aking tanong. Tinigil ko na ang pagtutupi ko ng mga damit at tuluyan ko na siyang hinarap. “Sabi mo busy ka sa trabaho? Sabi mo marami kang ginagawa kaya hindi ka nakahabol nung pumunta kami ni Sam-Sam sa park kanina. Totoo ba ang mga sinasabi mo, Isidro? Tapatin mo nga ako. Nasa trabaho ka ba talaga kanina o may iba kang pinuntahan?” diretso tanong ko sa kanya. Napaawang l

