CHAPTER 73 (WARNING: SOME SCENES ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.) “Oo, Insidro! Papakasalan kita!” malakas na sigaw ko at sinigurado kong makakarinig lahat ng mga taong nandito sa aking sagot sa kanya. Naluluha nitong kinuha ang singsing na malaki ang kumikinang na dyamante. Nanginginig ang mga kamay niyang isinuot iyon sa aking daliri at mabilis siyang tumayo. Sa mabilis na mga kilos, hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at nilapit ang mukha sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi nito sa aking labi. Ilang segundo lamang na nagtagal ang halikan naming dalawa pero ako ang unang tumigil dahil may narinig akong sumabog sa taas. Bumungad sa akin ang iba't- ibang mga kulay ng fireworks na sabay- sab

