CHAPTER 34 "Wait, what? Are you sick?" Naguguluhang tanong nito. "Hindi po, Sir. Kung papadalhan mo ako ng pagkain 'yong para sa may sakit na lang po. Tapos idagdag na rin ang fries," Paborito ni Sam- Sam ang fries. Makakatulong iyon para magkaroon ng laman ang tiyan niya. Nahihirapan akong magpakain sa kanya sa tuwing may sakit siya dahil sinusuka niya lang. "Are you sure that you are not sick? Kung ganoon sino ang kakain nito, Ilaw? And for a child?" Ayaw ko pang sabihin sa kanya. Kailangan ko munang malaman kung may balak na ba siyang magkaroon ng anak. Baka itong panliligaw niya sa akin ang magiging daan para maiba ang pananaw niya tungkol sa pagkakaroon ng anak. Baka ito ang daan para makumbinsi ko siya. "Wala akong sakit, Sir. Mamaya na lang po kayo tumawag at maliligo pa po

