CHAPTER 65 “Isidro, nakita mo ba kung nasaan ang panty ko?” Kanina pa ako naghahanap kung saan ba napunta ang aking panty. Nakaupo na ako sa passenger’s seat. Nakapag- ayos na siya habang ako naman ay naghahanap pa rin kung saan ba napunta ang aking panty. Dito lang naman kami sa loob ng sasakyan niya kaya malamang nandito lang ‘yon. Pero hindi ko pa rin mahanap. Hindi tuloy ako makasuot ng slacks dahil wala pa akong panty! “Saan mo ba kasi nilagay?” nakakunot ang noong tanong ko sa kanya at patuloy pa rin akong naghahanap kung nasaan na ba ‘yon. “Are you looking for this?” Inangat ko ang aking tingin at nakita kong hawak- hawak nito ang aking panty. Nasa kanya lang pala? Ang tagal kong naghanap tapos hawak niya lang pala? “Akin na nga ‘yan! Kanina pa ako naghahanap!” sigaw ko sab

