CHAPTER 68 Alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi pa rin nakakauwi si Isidro at anong oras na. Kanina pa ako panay tawag sa kanya ngunit nakapatay ang kanyang cellphone. “Sige, Zandro. Sabihan mo na lang ako kung may balita kana sa kanya,” ani ko kay Zandro. Tumawag pa ako sa kanya kasi baka magkasama silang dalawa. Ngunit kanina pa raw naghiwalay ang landas nila pagkatapos ng kanilang trabaho. Sinabi niya pa na maaga raw natapos ang meeting nila. At kahit siya ay nagtataka kung bakit hindi pa nakakauwi si Isidro. “Sige, Ilaw. Susubukan kong tawagan ang mga kaibigan niya na kilala ko. Sasabihan na lang kita kapag may balita na ako sa kanya,” sagot ni Zandro sa akin. Tulog na siya at nagising lang nung tumawag ako. Wala na kasi akong ibang matawagan. Wala n

