CHAPTER 13 Maraming tao ang gustong magkaanak. Pero syempre may porsyento rin don ang mga taong walang planong magkaroon ng anak o pamilya. Si Sir Isidro, mali ba ang humiling na sana magbago ang isip niya? Sana dumating ang araw at magising na lang siyang gusto na niyang bumuo ng pamilya at magkaroon ng anak. Saan ko ilulugar ang anak ko sa buhay niya. I felt sad for my daughter. I think she will never have a chance to meet with her father. But I will make sure to give her the love that she deserves. Kahit kaming dalawa lang. Kahit walang ama na tatayo sa gilid niya upang gabayan siya sa kanyang paglaki. Mas una naming madadaanan ang ang bahay ni Zandro. Pumasok kami sa isang subdivision at huminto sa dalawang palapag na bahay. Kulay pink pa ang kulay ng labas ng bahay. May malapad n

