CHAPTER 36 Nung araw na 'yon ay hinayaan niyang akong mag- isip. Sige, pagbibigyan ko siya. Pagbibigyan ko siyang magpaliwanag sa akin. Pumunta pa rin ako sa condo niya. Bukod sa para makapagtrabaho ay para na rin makapag- usap kaming dalawa. Umaga pa lang ay pumunta na ako sa condo niya. Maglilinis ba ako o maglalaba mamaya? Hindi ko rin alam. Sa ngalan ng Panginoon ay tuloy- tuloy ng naging maayos ang pakiramdam ng anak ko. Bumabalik na ng tuluyan ang sigla niya kaya medyo nakakahinga na ako ng maluwag. Kumakain na rin ito ng tama. Ang kasiyahan lang talaga ng mga ina ay makitang maayos at walang sakit ang anak natin. “Good morning, Sir,” bati ko sa kanya. Dati sa mismong condo ko siya naaabutan at bagong gising pa. Pero sa araw na 'to ay naabutan ko siya sa lobby. Bagong li

