Cristoff’s POV Agad akong bumaba galing rooftop pero pagkaapak na pagkaapak ko sa 4th floor bigla akong may nakitang lalaki na nakasandal sa pader. “Ano na namang kaylangan mo? Hindi ka pa ba tapos sa mga sasabihin mo?” nakatingin lang ako sa kanya. Umayos sya ng tayo at tumingin sakin habang nakangisi. “Nakalimutan kong sabihin, ayokong nahihirapan ang mga 'bago' kong kaibigan kaya kung gugustuhin mo ako na mismo ang magsasabi sa kanila yun nga lang kapag ako ang nagsabi sa kanila walang preno ang bibig ko baka pati hindi dapat sabihin sa kanila masabi ko. Tsaka isa pa kapag sinabi mo lahat ng nalalaman mo sa tingin mo paniniwalaan ka kaya nila?” tinapik nya ang balikat ko bago umalis. Bakit hindi ko nga ba yun naisip. Kapag ba sinabi ko sa kanila maniwala kaya sila sakin? Eh kasi nama

