HERA May problema na nga ako sa personal kong buhay dumagdag pa si Osvaldo. Magkahawak-kamay kaming naglalakad ngayon dito sa hallway. Todo alalay siya sa akin at gusto niyang ihatid ako sa harap ng room namin. Nagising na si Camilla at nakalabas na siya ng ospital. Buti na lang at hindi nabagok ang ulo niya at gasgas lang ang nakuha niya nung nahulog siya hagdanan. Bukas ng gabi namin gagawin ang plano kong patibong. Sana ay kumagat sila sa binabalak ko. "Sabay tayong kakain mamayang lunch babe," malambing na sabi niya. Kinikilabutan talaga ako kapag naging sweet siya sa akin. Siguro kung sa ibang babae siya maglalambing ay makikilig sila. Pero ako? Mas gusto ko pang matulog na lang siya. Makikilig lang ako kapag si Constantine na ang bumanat at maglalambing sa akin. Asahan n'yo 'ya

