CONSTANTINE Matagal akong tinitigan ni Hera at parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya lang ito masabi-sabi. Biglang nag-init ang ulo ko ng makita ang braso niyang puno ng mga pasa. Tang-ina, may kutob akong si Osvaldo ang may kagagawan nito. "Sinasaktan ka ba ni Osvaldo?" mariin kong tanong sa kan'ya. Magsasalita na sana siya ng biglang may kumatok sa labas ng kan'yang pintuan. Nataranta si Hera at hindi mapakali kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Calm down, hindi pupunta dito ang pinsan ko ngayon." Nabunutan siya ng tinik ng marinig niya ang sinabi ko. Busy ngayon si Osvaldo dahil nagkaproblema ang planta nila sa Laoag. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na puntahan si Hera dito sa kan'yang apartment. Binuksan ni Hera ang pintuan at kumunot ang noo ko ng makitang m

