OSVALDO Hindi ko napigilan ang aking sarili at hinalikan ko ang noo ni Hera. Damn, wala na akong mukhang ihaharap sa kan'ya bukas. Ilang araw ko pa lang nakilala si Hera, pero iba na ang nararamdaman ko sa kan'ya. Bumibilis ang t***k ng puso ko kapag nasa tabi ko siya. Unang kita ko pa lang sa kan'ya ay nakuha na niya agad ang kong atensyon. She's beautiful, but mysterious. Ang mga mata niya ay walang kabuhay-buhay. Pero kahit gano'n siya ay ang lakas pa rin ng dating niya. Siya na ata ang pinaka magandang babae na nakilala ko sa buong buhay ko. "Dude, okay ka lang? Para ka kasing baliw diyan na ngumingiti mag-isa." biglang sabi ni Apollo sa akin. "Tsk," ang wrong timing naman ni Apollo. Kung kailan iniisip ko si Hera ay saka naman siya lilitaw bigla sa harapan ko. Damn, na-miss ko

