Kabanata 5

1657 Words
Ignored ANGELINE Masakit ang ulo ko nang magising ako kinaumagahan. Wala sana akong balak na kumilos pa ngunit napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang tunog ng alarm ng phone ko. Damn it! Bago pala ako natulog kung tulog na bang matatawag ang tatlong oras ay sinet-up ko ang alarm ng phone ko ng isang oras bago ang pasok sa nag-iisa kong klase ngayong araw. This summer class is going to be the death of me! Is it the class or your Professor? Napadilat ako ng mga mata at nasabunutan ang sarili nang maalala ang paghalik ko kay Sir Khalil–no, just Khalil. Ano ng mukhang maihaharap ko sa kanya– Ooops, why would I be shy? Or embarrassed about it? Maraming naghahangad na mahalikan ko pero siya tinulak ako? Argh! Inis kong kinuskos ang labi ko at parang mas lumala ang sakit ng ulo ko sa hindi mapigilan na pagsimangot ko. Am I unlikable? That man! Pinili ko ang bodycon na hapit na hapit sa katawan ko at pinatungan lang ‘yon ng manipis na cardigan. I made my makeup natural, I don’t need to wear heavy makeup since I’m beautiful even without one. Pero ngayon kailangan kong takpan ang eyebags ko! Ang palaging nakalugay kong buhok ay itinaas ko para mas madepina ang makinis at magandang leeg ko. Nagpabango din ako at nang makuntento sa itsura’y bumaba na ako. Let’s see… Papatunayan ko sa ‘yo na swerte mong nahalikan kita! Pagbaba ko ay saglit akong natigilan nang makita ang ama ko sa sala. Medyo maaga pa at sa mga oras na ‘to’y dapat ay natutulog pa siya. I was about to call him when I remembered what Quen told me last night. Ikinuyom ko ang kamao at nagmartsa paalis ng hindi siya sinusulyapan. “Angeline!” sigaw sa akin ng ama ko ngunit nagpanggap akong walang naririnig hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. “Hindi mo ba naririnig na tinatawag kita?” Blanko ang mga matang tiningala ko siya. “What do you need, dad?” “What do I need? Akala mo ba hindi ko alam na lumabas ka ng dis-oras kagabi para mag-inom sa bar? Hindi kita pinipigilan na mag-inom pero delikado ang ginawa mo–” “Why do you even care?! Kayo ba, pinakialaman kong umalis kayo kagabi para puntahan ang babaeng ‘yon?!” sigaw ko. Kita kong napalunok siya at natigilan. “Anong–” “Quen told me na nagpunta si Tito sa San Dionisio, na pinapunta n’yo siya! Sinong tao ba ang alam nating lahat na naroroon? That b***h–” Umawang ang labi ko sa gulat nang sampalin ako ng ama ko. “Shut up! Huwag na huwag mong tatawagin ang Mommy mo ng ganyan!” “M-mommy?” nanginginig ang boses na sapo ko sa pisngi ko. “Have you forgotten, dad? I don’t have a mother! Ten years ago, she already died!” naiiyak kong sigaw at tinakbuhan na siya. I never looked back, even when I heard his desperate and apologetic voice calling out to me. I went straight into the car and instructed my driver to leave. “Ma’am–” “D-don’t talk, just drive,” putol ko sa driver at pinalis ang luhang namalisbis sa pisngi ko. Kinagat ko ang labi at magkakasunod na nagpakawala ng hangin. Naninikip ang dibdib ko at nananakit ang lalamunan ko sa namumuong bikig doon. Kinuha ko ang bag ko at naghagilap ng chocolate. Sinunod-sunod ko ang pagkain no’n hanggang sa tuluyang huminto ang walang kwentang luha mula sa mga mata ko. Kinuha ko ang compact mirror at mariing nakagat ang labi nang makita ang pamumula ng pisngi ko. I can’t believe you hurt me because of that woman! Dahil sa nangyari ay nawala ako panandalian sa sarili at naging mabagal ang paglakad ko patungo sa klase. For the second time, I was late, again. Nawala na din ako sa mood at hindi na lang sana papasok pero naisip kong baka kung ano ang isipin ng Professor na ‘yon. Baka sabihin niya pa’y umiiwas ako dahil sa ginawa ko kagabi. “Sorry for being late, Sir,” saad ko matapos dalawang beses na kumatok sa pinto at buksan iyon. He gazed at me, his eyes icy, and then shook his head. Nagpatuloy siya sa pagdi-discuss na tila ba hindi ako nakita. Napahawak ako sa batok ko ngunit kahit nakakaramdam ng hiya sa hindi niya pagpansin sa presensya ko ay taas-noo akong pumasok at dumiretso kina Leah at Eunice. “Please be considerate enough to refrain from entering my class if you arrive late next time. I have a stronger dislike for latecomers than for those who are absent.” Kinuyom ko ang kamao at pakiramdam ko’y mas lalong lumala ang sakit ng ulo ko sa sinabi ng lalaki sa harap. Binalingan ko siya ngunit nagpatuloy na siyang muli sa klase habang ako’y tuluyan nang napapahiyang naupo. Hindi naman ako ganoon ka-late! I’m only five minutes late! Damn him! Damn my dad! Damn, everyone! Halos bumaon ang pen ko sa ipad ko sa diin ng pagsusulat ko ro’n habang nakikinig sa klase ng isa sa kinaiinisan kong tao sa mundo ngayon. Akala ko’y tapos na ang pamamahiya niya sa akin pero hindi pa pala. Nagkaroon ng recitation at para sana makabawi sa pagka-late ko’y magpapakitang gilas ako sa pagsagot sa mga tanong niya pero parang hindi niya ako nakikita at tinatawag! Natapos ang klase na halos lahat ng mga estudyante na nagtataas ng kamay ay natawag niya maliban sa akin. He ignored me! I’m Angeline Lauren Figueroa and he dared to ignore me?! How dare you!? *** “Anong itinatawa-tawa n’yo!?” inis kong saad kina Leah at halos matapon ang tasa ng kape na hawak ko nang ibaba ko ‘yon sa mesa. Right after class, niyaya ko sila sa mall para makapag-release ng stress. Pero imbes na ma-relax, naiirita ko dahil nagbubulungan sila at tatawa tapos titingnan ako. “Nothing–” “Huwag n’yo akong bwisitin na dalawa. Are you laughing at me dahil sa ginawa sa akin ng Professor na ‘yon!?” naiirita ang tonong akusa ko sa kanila. Ngumisi si Leah. “Mukhang bad shot ka kay Sir Khalil, Ange, akala ko pa naman kagaya ng mga ibang professor natin, hindi nila matatanggihan ang ganda mo. Mukhang ire-repeat mo na naman–” “That’s not gonna happen, okay!? I would pass that subject with flying colors. Trust me on that!” “Eh how nga mangyayari ‘yon, girl, if ayaw sa ‘yo ni Sir Khalil? Baka maging singko ka sa kanya,” bungisngis ni Eunice dahilan para samaan ko siya ng tingin. “Gusto mong bawiin ko ‘yang wallet na binili ko today?” “Kidding! Chill, girl!” aniya’t inakap ang paper bag na inilibre ko sa kanya today. I don’t care kung ma-max out ko ulit ang credit card ko today. “You know what Ange, why don’t we play a game?” nakangiting tanong sa akin ni Leah. Sinimangutan ko siya at muling kumain ng chocolate. Kailangan kong mag-exercise nang malala mamaya dahil sa mga nakain kong matatamis. As much as I hate sweets because of their calories. This is my comfort food, ito lang ang makakapagpakalma sa akin kahit paano. “Do I look like I’m in the mood for a game?” masungit kong tugon sa kanya. “And arcade? What are we? Kids? That’s so not giving, Leah. What’s wrong with you?” “Silly, not that kind of game. I’m talking about this game,” pag-abot niya ng cellphone sa akin. Nagtaas ako ng tingin nang makitang profile iyon ng pinsan niya na si Renan. He has a post and what caught my attention is the man beside him. It’s that Professor. Ni wala siyang kangiti-ngiti sa picture na ‘yon at napakasungit tingnan. Boring. “Anong gagawin ko diyan?” “I dare you to make him fall for you then drop him like a hot potato.” “What?” “Once he falls for you, for sure, you’ll pass that subject–” “I can pass that subject nang hindi siya nilalandi! What do you think of me?” Tumawa si Leah at gusto kong burahin ang pagtawa niya sa pamamagitan ng pagtusok ng tinidor na hawak ko sa kanya. “Are you sure? Compare sa exam mas mataas ang participation, hindi ka nga niya tinatawag kanina eh. How about na dalawang late ka na din sa kanya?” Naikuyom ko ang kamao at inis na uminom ng kape dahil may punto siya. I could report him na pinepersonal niya ako pero mapapatunayan ko ba ‘yon? “Ayaw mo? Hindi ka confident na mahuhulog siya sa ‘yo ano?” pagtawa ni Leah sa tonong iniinsulto ako. “Excuse me!? I’m Angeline Lauren Figueroa. Even your crush can’t even resist me.” Sumama ang hilatsa ng mukha niya sa sinabi ko at pinaikot ang mga mata. Burn. “Whatever. So, will you accept this dare? Makakaganti ka na sa kanya sa pag-i-ignore niya sa ‘yo. Ayaw mo no’n two stones at one bird–” “Leah, it’s killing two birds with one stone, talaga bang sure kang sa ating dalawa, ako ang babagsak ulit?” Humagikhik si Eunice at natigil lang nang sikuhin siya ni Leah. Binalingan niya ako. “Sabihin mo na lang kasi kung tatanggapin mo ang dare na ‘to, o hindi dahil natatakot ka–” “Ayon lang ba ang mapapala ko? I want your Hermes Birkin that Tita gave you on your last birthday if I win this dare.” “What? As if Leah would agree, that’s so expensive–” “Deal,” pagputol ni Leah kay Eunice na tila ba kumpiyansa siyang hindi ko mapagtatagumpayan ang dare na ‘yon. Ngumisi ako. “Deal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD