APPLE'S POV'S “Oh, anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit parang nabigla pa kayo sa pagpasok namin ng Daddy mo?" tanong na sabi sa gulat ng mommy niya ng pumasok sila. Nagulat rin ako habang nangungulit itong baliw na doktor habang nakikipaghablutan ng unan. Kasalukuyan kasi na hinampas ko siya ng unan. Kasi nga ay nangungulit siyang hahalikan ako habang nakaupo at tinabihan niya ako. “Wala naman, Mom." sagot nito sa mommy niya habang umayos ng pagkakaupo at umakbay sa akin at idinikit ako sa kanya. Nginitian ako nito habang binalingan ako at tiningnan sa mukha. “Ganuon ba? Kala ko naman ano na nangyayari sa inyo. Naisip ko tuloy na baka nag-aaway na kayo sa mga itsura niyo." sambit na turan ng mommy niya at inilapag na niya ang dalang pinggan na may lamang ulam habang si Hailey ay

