JUDE'S POV'S “Dok, ang saya mo ata ngayon? mukhang may progress na mula sa babaeng dinala mo rito nung isang araw." sambit ni Mia habang nagcheck up ako ng isang pasyente. “Ang ingay mo. Nakita mong may pasyente ako. Ang daldal mo masyado." sabi ko sa kanya. Habang may ginagamot ako ay panay ang daldal, tanong ni Mia tungkol kay Apple. Marami ang nakapapansin sa saya na nararamdaman ko sa ngayon. Mula kasi ng araw na yon. Talagang napakasaya ko lalo na nung lumabas kami para kumain sa labas. “Dok, napapangiti ka pa ngayon?" sabi ni Mia, madaldal talaga at hindi tumitingin mula sa pasyente na tinatahi ko yung sugat. “Kahit kelan ka madaldal ka, tingnan mo naman yung pasyente. Hindi ka man lang tumitingin at sa mukha ko pa talaga ang tingin mo?" singhal ko sa kanya habang yung pasyen

