Crisler Ivan Canaleja's "Crisler!" Umungol lang ako bilang sagot ko kay Daddy. "Crisler, bumangon ka na riyan, nandiyan na iyong bodyguard mo," sabi pa ni Daddy sa akin. "Dad, maaga pa, puyat ako tsaka gusto ko muna magpahinga lalo na sa nangyari sa akin," sabi ko kay Daddy. Kagabi kasi ay may tumambang sa akin, ma-swerte na lang ako at bulletproof ang kotse ko at walang nangyaring masama sa akin, pero itong si Daddy kinuhaan ako ng bodyguard ko dahil baka raw iyong nakabangga niya sa politika iyong may gawa sa akin. Pumayag na rin ako dahil sino ba gustong mamatay agad. "Tumayo ka na riyan!" Sigaw sa akin ni Dad. Nakasimangot naman akong bumangon, inaantok pa talaga ako. Tumayo ako sa kama ko at kumuha ng t-shirt ko bago ako sumunod kay Daddy. Bakit ba kailangan ko pang sumam

