Humihikab ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni Mang Ronald. Tumawag kasi sa akin kagabi ang isa sa mga bantay. May kahina-hinalang tao raw na pabalik-balik sa tapat ng kwarto ni Mang Ronald, kaya naman sinadya ko ngayong araw na ako ang magbabantay. Medyo inaantok din ako dahil sa puny*tang Crisler na iyon, dahil sa mga pinagsasabi niya kagabi ay hindi na naman ako nakatulog sa kaniya. D*munyo talaga ang taong iyon, at akala niya maniniwala ako sa pinagsasabi niya. Well, manigas siya sa buhay niya, matapos ng ginawa niya sa akin noong college kami. Hindi na ako magpapakatanga sa kaniya, bodyguard na lang niya ako ngayon at hanggang doon na lang iyon. Iyon lang at wala na. Pagkarating ko sa may tapat ng pintuan ng kwarto ni Mang Ronald ay sinalubong ako ng dalawang pulis na naka

