"Daddy!" Malakas na sigaw ni Grape na nasa loob ng kusina. Mabilis naman na tumakbo si Crisler pababa. Katatapos niya lang kasi maligo at iniwan niya muna si Grape sa mga kapatid niya sa baba. Habang pababa si Crisler ay nakita niya ang pangatlo niyang anak na nasa gitna na nang hagdan na gumagapang. "Oh my gosh, Apple," sabi ni Crisler na agad na kinarga ang ang dalawang taong gulang na anak. "Daddy!" Malakas na sigaw ni Grape kaya naman mabilis na bumaba si Crisler para tingnan ang panganay na anak. Napatingin siya sa living room, nandoon ang bunso niyang anak na si Lemon na isang taong gulang lang, nakaupo ito sa nakalatag na foam. Nang makita siya ni Lemon ay ngumiti ito habang tulo ang laway. "Dada!" Kumakalampag na kamay na tawag ni Lemon. Lumapit naman doon si Crisler at nil
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


