Hinatid lang namin si Ashley sa bahay nila tapos dumeretso na kami sa set kung saan may taping si Crisler. Ilang oras lang ang taping niya at umalis na rin kami sabi niya kasi may pupuntahan pa raw siya. "Saan ang punta mo?" Tanong ko sa kaniya habang nagda-drive ako pauwi sa mansion nila. "Birthday ni Dara ngayon, invited tayo," sabi niya. "Tayo? Bakit wala akong alam?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. "Hindi ko ba nasabi sa iyo kahapon?" Tanong niya rin sa akin. Inirapan ko naman siya. "Magtatanong ba ako kung alam ko," asar na sagot ko sa kaniya. "Okay, hindi ko na nasabi, sorry na," sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay niya na para siyang sumusuko. "Pupunta ako roon ng ganito ang ayos ko?" Tanong ko sa kaniya. "Sa bahay may damit ka roon, pinabili ko kay Corrine kaha

