Parang normal na araw lang ngayon. Inihatid na ako ni Mang Philip sa eskwelahan. Habang nasa daan ay gusto ko sana tanungin si Mang Philip kung nasaan at ano pa ba ang ginagawa ng kanyang anak. Pero wala akong lakas ng loob dahil baka kung ano ang isipin nito. Umiling iling ako at sinabihan ang aking sarili na hindi pwedeng itanong kay Mang Philip ang mga ito. Mabibisto ako. Pagbaba ko ng sasakyan ay dumerecho ako ng lakad papunta sa aking classroom. Nagkita kami ni Monica habang patungo doon, kaya sabay na kaming naglakad. Masaya kaming nagkukwentuhan ng aking kaibigan. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang grupo ng mga lalaki na nagkukumpulan sa isa sa mga wooden bench ng paaralan. Parang may inaabangan ang mga ito. Marahil ay classmate nila? Ewan ko lang. Wala naman pala akong pakiala

