Nanginginig akong pumasok sa isang kwarto kasama si Gabriel. Habang ang iba ay may kanya kanya ding kwarto. Nakita ko kung paano nila halikan ang mga kasama nilang babae habang papasok sa loob. Ganun din ba ang gagawin namin? Gusto kong tumakas kay Mamu dahil ibinebenta kami nito sa mayayamang lalaki kapalit ng laman ngunit sa ganito rin pala ang bagsak ko?
Magulo ang aking isipan. Pinakalma ako ni Gabriel at pinaupo sa kanyang tabi. Ramdam ko ang bawat paghinga nya. Amoy na amoy ko ang nakakabaliw nyang halimuyak.
"Sa loob ng isang buwan tayong dalawa ang magkasama dito. Lahat daw pwede nating gawin." Napalingon sya sa akin at tumitig ng malagkit sa akin. Napaurong ako nang lumalapit sya sa aking mukha.
Sobrang lapit na ng kanyang mukha sa akin. Saglit kong pinigilan ang aking paghinga. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga.
"Kahit ano pwede." Mapang akit na sabi nito.
Napapikit ako saglit at maya maya pa ay napatayo ako at lumayo sa kanya. Isang malakas na buntong hininga ang narinig ko.
"Pero pagkatapos ng isang buwan ay magpapalit tayo ng mga partners. Pwede kang mapunta kay Arthur o kaya kay Wilbert." Sabi nito.
Lalo akong nakaramdam ng takot. Nasaksihan ko kasi ang mga ginagawa ng dalawang ito sa mga babaeng kasama nila at ayaw kong gawin din nila iyon sa akin.
"Bakit nyo to ginagawa? Ganyan ba talaga ang mayayaman. Kahit anong gusto nilang gawin ay pwede!" Galit kong tanong sakanya.
Napangiti sa akin si Gabriel.
"Hindi ba pumayag ka na sundin ang lahat ng trip nila basta makalayo ka lang sa lugar na iyon. Ganito ang trip nila. Masanay ka na." Paliwanag pa nito.
Nanlumo ako sa mga sinabi nya. Nakatakas nga ako kay Mamu pero napunta naman ako sa kamay ng mga mayayamang walang magawa sa buhay. Hindi ko na alam kung paano makakatakas dito.
Agad akong hinatak ni Gabriel at napatalbog ako sa makisig at matipuno nitong dibdib. Napakapit sya sa aking beywang. Marahan nya itong hinagod at pinisil na syang nagpabaliw sa akin.
"Pero don't worry baby girl. Safe ka sa akin. Hindi ako gagawa ng masama hanggat kasama mo ako. Promise." Sabi nito sabay halik sa aking noo.
Sa puntong iyon ay napanatag ako. Naramdaman ko na ligtas ako sa tabi ng lalaking ito.
Maya maya pa ay inabutan nya ako ng isang tshirt at boxer short nya. Napakunot naman ang aking noo.
"Maligo ka na at magbihis. Wala kang dala kahit ano. Bukas bibili tayo ng damit mo" sabi nito sa akin.
Inabot nya rin ang isang tuwalya.
Napakabait talaga sa akin ni Gabriel. Buti na lang at dumating sya sa buhay ko.
Pagkatapos kong maligo ay naramdaman ko ang lamig ng buong kwarto. Ang lakas ng aircon. Nakita ko na lamang na nakadapa si Gabriel sa kama. Nakahubad na ito at nakatapis lang ng tuwalya. Hindi ko alam kung nakatulog ba sya. Marahan akong lumapit sa kanya.
Pinagmasdan ko ang mukha nya na mahimbing ng natutulog. Talagang napakagwapo nya. Mga pitong taon ang agwat nya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdamam kong ito pero sa tuwing tinitignan nya ako ay may kakaibang kiliti ang puso ko.
Namilog ang mga mata ko nang biglang dumilat si Gabriel at kitang kita nya ako na aktong pinagmamasdan ko sya. Uminit ang mga pisngi ko.
"Bakit mo ako tinitignan Baby Girl?" Tanong nito.
Napalihis ako ng tingin sa kanya.
"W-wala gigisingin na sana kita para maligo ka na" nagkandabuhol buhol ang aking dila.
Matamis syang ngumiti at ginulo gulo ang aking buhok. Napaupo ako sa sulok ng kama at hindi makatingin sa kanya. Agad na syang bumangon at tumambad sa harap ko ang hubad nyang katawan. Mas malaki talaga ang mga dibdib at balikat nya kapag nakahubad sya. Napaawang na naman ang aking mga labi.
"Ah. Eh. Labas muna ako kukuha ako ng tubig" pag-iwas ko sa kanya. Dali dali akong lumabas para makatakas sa sitwasyon na iyon.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Crush ko na ba sya? Sa tuwing nakikita ko sya ay nahihiya ako at may parang kumikiliti sa puso ko.
Naglakad ako papunta sa pasilyo. Napakalaki ng hacienda na iyon. Hindi ko mabilang kung ilang kuwarto ang nadaanan ko. Nasaan kaya dito ang kusina. Nauuhaw at nagugutom na ako.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa ganda ng mga gamit doon. Ang mga painting na nakasabit ay sobrang laki at ang gaganda.
Habang hinahanap ko ang kusina ay napadaan ako sa isang kwarto na nakaawang ang pinto. Hindi ko alam pero para akong minamagnet ng pinto na yun para sumilip. Nakakarinig din ako ng malalakas na ungol sa loob nito na syang nagpasabik sa akin para sumilip.
Ngunit napahawak ako sa aking bibig ng makita ko sa loob sina Wilbert at Casey na parehong nakahubad at naghahalikan. Nakahiga ang lalaki habang ang babae ay nakaupo sa kanya. Buong buhay ko ay ngayun lang ako nakakita ng ganito. Ang dalawang kamay ni Wilbert ay pinaglalaruan ang dalawang dibdib ni Casey na syang nagpapabaliw dito habang umiindayog ito.
Naalala ko ang sinabi ni Gabriel sa akin na sa susunod na buwan ay magbabago kami ng partner. Pwedeng si Arthur o kaya .. si Wilbert.
Napasandal ako sa pader habang hawak pa din ang aking bibig. Ganito ba ang magiging kapalaran ko sa kamay ng dalawang lalaki na ito sa susunod na mga buwan. Nakakatakot.
Maya maya pa ay narinig ko na si Casey na umiiyak. Nang silipin ko ulit ay nakita ko si Wilbert na malakas na sinampal si Casey at sinundan pa ng madidiin na sabunot. Umiiyak sa sakit ang babae.
Naalala ko si tiya Celia. Ganyan ang inaabot ko sa kanya kapag nagkakamali ako.
Kitang kita ko pa na malakas nyang sinuntok sa mukha at braso si Casey. Ano ang ginagawa ng lalaking ito? Bakit nya sinasaktan ang babae? Gusto ko syang tulungan. Kaya ng akma kong buksan ang pinto.
Ay may biglang humatak sa akin. Hinila ako papunta sa kabilang kwarto.
Si Gabriel. Malalim ang tingin nya sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na tanong nito.
"Tutulungan ko si Casey. Binubugbog sya ni Wilbert." Natataranta kong sabi sa kanya.
Malakas na napabuntong hininga si Gabriel.
"Pabayaan mo sila. Kasama sa game yan. Di ba sabi ni Wilbert na pwedeng gawin ang lahat sa partner natin? Kaya yan ang ginagawa nya. Gusto naman yan ni Casey" paliwanag pa nito.
Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko sya maintindihan. Anong klaseng laro ito. Para silang mga baliw.
"Kahit nasasaktan ang babae ay ayos lang iyon sa inyo.?" Tanong ko pa dito.
Tumango sa akin si Gabriel na may matipid na ngiti.
"Wag mo na silang pansinin ayos lang sila. Ganyan talaga ang ugali ni Wilbert. Sadista yan. Halika na sa kusina kumain na tayo." Pagyaya nito.
Hinawakan ako ni Gabriel sa kamay. Napakainit ng kanyang mga kamay. Nagsimula na kaming maglakad patungong kusina. Habang ako ay nakalingon pa din sa kwarto nila Casey at Wilbert. Ganun ba talaga ang larong ito. Kahit makasakit sila ng ibang tao ay ito pa ang mas ikaliligaya nila?
Hindi pa rin binibitawan ni Gabriel ang aking mga kamay. Nakaramdam naman ako ng saya. Dahil hawak ko ang kamay ng aking crush. Namula ang mga pisngi ko. Sandali kong nakalimutan ang eksena kanina kila Wilbert at Casey.
Saka pa lamang nya binitiwan ang mga kamay ko ng makarating sa kusina. Naghanap sya ng pwedeng lutuin. Binuksan nya ang cabinet at may nakita syang isang lata ng spam. Kumuha din sya ng dalawang pirasong itlog. Niluto nya ito. Kumuha din ng bigas si Gabriel sa rice dispenser at sya ay nagsaing. Talagang sabak sa gawaing bahay ang lalaking ito. Hindi gaya nung dalawang lalaki, si Wilbert at Arthur ay wala naman yatang alam sa buhay kundi ang magpasarap.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang ginagawa ang lahat ng ito. Ganitong lalaki ang gusto ko.
Hinain na nya ang aming pagkain at amin itong pinagsaluhan. Habang kami ay kumakain ay madami kami napagkwentuhan tungkol sa aming mga buhay.
Naikwento ko sa kanya ang malupit na sinapit ko sa aking tiyahin at ngayon ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pwede naman ako mamasukan bilang katulong. Para mabuhay ako. Yun ang plano ko.
Si Gabriel naman ay galing din sa hirap. Naging driver ng pamilya nila Wilbert ang kanyang ama kaya mula bata pa lang ay kilala na nya si Wilbert. Pero matagal na rin pa lang umalis ang Papa nya kila Wilbert at nagtatrabaho na sa isang napakayamang pamilya. Sa pamilyang Montenegro.
Kaya pala mas magaan talaga ang loob ko sa kanya dahil alam nya ang pakiramdam ng isang mahirap. Hindi ko kasi gusto talaga ang asta ng mga mayayaman noon pa man. Gaya nila Wilbert, napakalayo ng ugali nila halata mong laki sa maraming pera dahil lahat ay kaya nilang bilhin. Kahit buhay yata ng tao ay kaya nilang bilhin. Hays.