Chapter 4

1557 Words
Buong maghapon kaming nagplano kung paano ako makakatakas dito. Hindi kami nagapahalata sa kanila na may lihim kaming plano. Umakto lang kami ng normal. Binigyan nya ako ng backpack at doon nya inilagay ang mga damit at iba pang pangangailangan na binili nya para sa akin. Sa maliit na bulsa ay nag-iwan pa sya ng 2,000 pesos para daw magamit ko sa aking pagtakas. Sobra sobra na ang ginawa nya sa akin. Kumuha sya ng maliit na papel at doon inilagay ang address na pinapapuntahan nya sa akin. Nakadetalye din ang mga dapat kong sakyan papunta doon. "Hanapin mo doon si Lola Bella. Sya ang katiwala nila Mr. Fernando Montenegro. Sabihin mo inirekomenda kita para pumasok na katulong sa kanila" sabi pa ni Gabriel. Ngumiti ako sa kanya at may nangingilid na mga luha sa aking mga mata. "Salamat Gabriel. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung wala ka." Sabi ko sa kanya at tuluyan na akong napaiyak sa kanyang harapan. Marahan nyang hinimas ang aking ulo. "Mag-iingat ka ha. Mamahalin pa kita." Sabi nito. Nagulat ako sa sinabi nya. Parang nabingi na yata ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung mali ba ang narinig ko basta masaya ako dahil may taong tutulong sa akin. Hindi kami lumabas ng kwarto at hinintay lang namin na lumalim ang gabi. Mayat maya ang silip ni Gabriel sa labas dahil nagkakasiyahan ang apat at nag iinuman sa labas. Mukhang matatagalan pa sila doon. Hindi kasi pwedeng malaman ni Wilbert na tinulungan ako ni Gabriel na makatakas. Gusto pa din nitong huwag masira ang tiwala ni Wilbert sa kanya. Kaya papalabasin namin na nakatakas akong mag-isa. Pero paano ako makakatakas kung gising pa silang lahat. Matiyaga kaming naghintay. Mag aala una na yata ng madaling araw nang matapos sila. Handa na ako. Aalis na ako sa lugar na ito. Inihatid ako ni Gabriel sa gate. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung kailan ko muli makikita ang aking kaibigan. Labis syang nag-alala para sa akin. Mabilis na akong naglakad palayo sa kanya. Unti unting lumalabo ang aura nya habang papalayo ako. Luluwas ako ng Maynila at mamasukan bilang katulong. Sa Maynila ay aayusin ko na ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko doon. Nagising ako sa init ng sikat ng araw na tumama sa mga pisngi ko. Pagmulat ko ay nagsibabaan na ang mga pasahero. Nasa Maynila na pala ako. Nag inat ako ng kaunti at napadungaw sa bintana ng bus na sinakyan ko. Ganito pala ang itsura ng Maynila. Magulo, Maingay at may kanya kanyang ginagawa ang lahat ng tao. Dala ko ang backpack ay bumaba na ako ng bus. Hanggang ngayon ay may takot pa rin sa aking dibdib. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi pa ako nakakarating sa aking destinasyon. Malaki ang tulong ng pagtatanong ko kung saan ang tamang sakayan. Ipinapakita ko sa kanila ang maliit na papel na binigay ni Gabriel. Buti na lang at madami din ang tumulong sa akin. Hanggang sa inihatid na ako ng isang tricycle papunta sa malaking mansyon na nasa loob ng isang exclusive subdivision. May natira pa sa ibinigay na pera ni Gabriel. Iipunin ko na lang ito mula ngayon. Sobrang laki at ganda ng mansyon na iyon. Sa paningin ko nga ay isa itong palasyo. Napakalaki ng gate nila. Nagtungo ako sa guwardiya na nakabantay sa labas. "Kuya , anjan po ba si Lola Bella?" Maamo kong tanong Tinignan ako ng guard mula ulo hanggang paa. "Ikaw ba ang nirekomenda ni Gabriel bilang katulong?" Tanong nito. Buong puso akong ngumiti at walang pagsidlan ang kaligayahan ko. "Opo. Ako po si Anna Micaela Arrevalo." Pagpapakilala ko. Agad naman akong pinapasok ng guard at pinatuloy sa loob. Mas namangha ako ng makapasok sa loob. Sobrang laki ng palasyong ito. Ang mga ginamit na materyales dito ay paniguradong mamahalin. Dumaan kami sa likuran ng bahay. Doon kasi dumadaan ang mga kasambahay na gaya ko. Pagpasok ko pa lang ay bumungad sa akin ang isang matandang nakaismid sa akin. Naka arko ang kilay nito sa akin at para bang hinuhubaran ang aking pagkatao sa pagkakatitig nya. "Ikaw ba ang papasok bilang katulong?" Mataray na sabi nito. Napalunok ako at parang nanuyo ang aking lalamunan. Binulungan ako ni kuya guard. "Good luck sayo" sabi nito sabay talikod sa amin at umalis na. Napatingin ulit ako kay Lola Bella at pilit ko syang nginitian. "Opo Lola." Matipid kong sabi. Lalong napataas ang kilay sa akin ng matanda at may hindi yata nagustuhan sa sinabi ko. "Tawagin mo akong Madam! Hindi kita apo para tawagin mong lola !" Matapang na sabi nito. Kinabahan ako at napatayo ng tuwid. "O-opo M-Madam" nabubulol kong sabi. Tumalikod sya sa akin at agad ko syang sinundan sa loob. Dumiretso kami sa isang kwarto. Pagbukas nya. "Ito ang magiging kwarto mo" bungad nya. Napanganga ako dahil hindi ko akalain na may sarili akong kwarto. Maliit lang ang kwarto na iyon. Malinis ang loob nito. May isang kama na sakto lang sa akin at isang electric fan. May built in cabinet para sa aking mga gamit. Ganito pala magmahal si Mr. Montenegro sa kanyang mga kasambahay. Itinuturing nyang kapamilya. "Alas singko ng umaga dapat gising ka na. Mag aalmusal tayo at pagkatapos nun ay sisimulan na ang trabaho." Sabi nito "Opo Madam" sagot ko "Sanay ka ba sa trabahong ito?" Nagdududang tanong ni Madam. Napataas noo ako at buong pagmamalaki ko syang sinagot. "Opo. Namasukan din po akong katulong nung trese anyos pa lang po ako kaya sanay na sanay po ako sa gawaing bahay." Sabi ko. Tinalikuran ako ni Madam. Nagpunta sya sa kusina. Sinilip ko lang sya mula sa aking kwarto. Agad kong inayos ang aking mga gamit. Ngayon ay panatag na talaga ang aking loob. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng tunay na tahanan sa palasyong ito. Kahit napakasungit ni Madam alam ko magkakasundo din kami balang araw. "Anna!" Sigaw ni Madam Dali dali akong napatayo sa aking kinauupuan at iniwan ko agad ang pag-aayos ng aking mga gamit. Nagtungo agad ako sa kusina. "P-Po madam" sabi ko. Nakita ko na may nakalatag na ilang sandwhich at juice sa may mesa. Nakaramdam ako ng gutom at napatitig sa pagkain. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko muna sundin ang mga inuutos nya. "Kumain ka muna!" Pagyaya ni Madam. Namilog ang aking mata at nagulat. Para sa akin pala talaga ang pagkain na nasa mesa. Sabi ko na nga ba at mabait si Madam. Hindi ko na tinanggihan at nilantakan ko ang sandwhich na nasa aking harapan. Gutom na gutom na talaga ako. Muntikan pa akong mabulunan kaya napainom ako ng juice. Habang tinatapik ang aking dibdib. "Dahan dahan. Wala kang kaagaw" galit na sabi nito. Habang ako ay kumakain ay nagkwento si Madam tungkol kay Fernando Montenegro. Sya daw ang pinakamayamang tao sa buong bansa ngayon. Madami siyang mga negosyo sa loob at labas ng bansa. Pero mas madalas siya sa ibang bansa dahil naroon ang pinakamalaki nilang negosyo. Kasama nya ang kanyang asawa na si Ms. Margareth Montenegro. Sa tagal ng kanilang pagsasama ay wala silang naging anak. Kaya ibinuhos na lang nilang mag-asawa ang pagpapalago sa kanilang negosyo. Ang mala palasyong bahay na iyon ay isa lamang sa kanilang palasyo dito. Marami pa ito sa ibat ibang sulok ng mundo. Napapanganga ako sa mga sinasabi ni Madam. Nakikinig lamang ako habang kumakagat sa sandwhich na gawa ni Madam. Nakatatlong sandwhich na ako at sa haba ng kwento ni Madam ay baka maubos ko ang anim na piraso na gawa nya. Kahit wala namang tumatao sa palasyo na ito at madalas mga kasambahay lang, ay kailangan pa rin itong linisin araw-araw. Sa laki ng palsyong iyon, kung hindi ito lilinisan araw araw ay mapupuno lamang ito ng alikabok. Sayang naman. Sana balang araw ay magkaroon ako ng ganitong klase ng palasyo. Yung sarili kong palasyo. Ayy. Ang sarap lang mangarap, habang umiinom ako ng masarap na juice. "Oh tapos ka na ba? Halika at sasabihin ko sayo lahat ng gagawin mo araw araw. Ililibot din kita sa buong mansyon." Sabi pa nito. Niligpit ko muna ang mga pinagkainan ko saka ako sumunod kay Madam. "Itong 2nd floor na lang ang linisin mo. Kailangan mong linisin ang sampung kwarto na nandito. Ayoko kasi na may mamuong kahit maliit na alikabok jan" sabi pa nito. Pag-akyat pa lang namin sa 2nd floor ay bumungad sa aming harapan ang napakalaking larawan ng isang medyo may katandaan nang lalaki pero napakakisig nito sa larawan at katabi nito ang isang napakagandang babae na kaedad din nito. "Yan si Mr. Montenegro kasama ng napakaganda at napakabait nyang asawa." Sabi ni Madam habang patuloy lang kami sa paglalakad. Nakatingin lang ako sa larawan. Pakiramdam ko ay nakatingin sila sa akin at sinusundan nila ako. Sabi nya ay lilinisin ko ang sampung kwarto dito pero sa bilang ko ay labing isa lahat ito. "Nakalimutan ko. Ang kwarto sa dulo ay hindi pwedeng pasukin. Kaya sampo lang ang pinapalinis ko sayo. Naiintindihan mo ba?" Sabi nito. Agad naman palang nasagot ang mga tanong ko. Pero bakit kaya bawal pumasok sa loob ng kwartong iyon. Ano kaya ang meron sa likod ng mga pintong iyon. Nasabik tuloy ako. Baka mayroong malaking kayamanan ang nasa loob nun. Pero baka naman may multo doon kaya bawal pumasok. Nakaramdam tuloy ako ng takot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD