Isang linggo nang hindi kami nagkikita ng aking asawa. Sabi nya ay pupuntahan nya agad ako pero dahil sa dami ng trabahong naiwan sa kanya ay natagalan tuloy ang aming pagkikita. Puro sa text, tawag, at video call lang kami nagkakausap. Namimiss ko na ang asawa ko. May binanggit pa syang plano sa akin. Hihintayin lang namin na makapasa ako sa board exam at pagkatapos nito ay sa Maynila na kami maninirahan bilang mag-asawa.. Ngayon pa lang ay nalulungkot na akong isipin na iiwanan ko na ang aking mga magulang. Kahit asawa na ako ng pinakamayamang tao sa bansa ay gusto ko pa ding magtrabaho. Gusto kong maging isang architect. Gusto kong bumili ng lupa para kila nanay at tatay at ako mismo ang magdedesenyo ng kanilang bahay. Ayokong umasa lang sa pera ng aking asawa. Gusto kong makilala

