Chapter 35

2009 Words

Nagising ako sa lakas ng tunog ng aking alarm clock. Inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog kaagad kagabi. Napabangon agad ako nang maalala na dito sa bahay natulog ang gwapong Montenegro. Sa sala nga pala sya natutulog! Tumayo na ako! Agad kong inayos ang aking sarili. Ayokong makita nya ang itsura ko kapag bagong gising. Kabado akong lumabas. Natutulog pa kaya sya o gising na? Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Ang dami kong tanong. Dahan dahan akong lumabas ng aking kwarto. Hinagilap ko sya sa sala pero wala sya doon. Nakakunot noo ako at nagtataka kung nasaan si Gabriel? "Maagang umalis si Gabriel!" Sabi ni Nanay. Parang malalaglag ang puso ko sa gulat ng biglang umalingawngaw ang tinig ni Nanay. Nahalata kaya nya na may hinahanap ako sa sala kaya sya biglang nagsalita? Nam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD