Chapter 19

1981 Words

Nagsimula na ang kanilang game. Mistulang nasa championship game na ito sa sobrang dami ng nanonood. Maingay, magulo at nagkakasiyahan ang ibang mga estudyante. Sa tuwing makakapasok ang bola ni Guererro ay hindi magkandamayaw ang mga babaeng estudyante. Mayroong sumisigaw, nagtatatalon at sumasayaw sa tuwing makakapuntos ang kanilang iniidolo. Karamihan sa kanila ay nasa Senior High na. Hindi ko mapigilang mainis sa tuwing makikita ang mga babaeng ito na patay na patay sa aking Guererro. Napansin ko din ang aking kaibigan na si Monica na lihim ding natutuwa sa tuwing maipapasok ni Marcus ang bola. Natawa ako sa aking kaibigan, wala syang pinag-iba sa mga babaeng nababaliw na kay Marcus. "I LOVE YOU MARCUS!!! PAKISS NAMAN!!!" sigaw ng apat na babae na may hawak na malaking banner ni M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD