MK's dream

2379 Words
Sa bahay nila Tina. “Tintin, anak. Wag ka ng bumalik sa club. Papasok ka na sa sunod na linggo sa bago mong trabaho. Magpahinga ka na lang,” wika ni Bea sa anak habang nagbibihis ito ng pang-tomboy na disguise. “Mama, wag ka mag-alala. Next week pa ang pasok ko sa Delizioso Restaurant. Sayang ang sasahurin ko,” malumanay na wika ni Tina. Nagi-guilty si Tina sa pagsisinungaling sa ina. Akala nito ay papasok siya bilang kahera pero hindi dahil itinuloy niya ang kanyang Saturday performance sa club. Naghihinayang siya sa kanyang kikitain sa isang gabing performance bilang ledge and pole dancer. Habang nakatingin siya sa ina ay nadudurog ang puso ng dalaga. Unti-unti ng iginugupo ng sakit si Bea. Pumayat ang dating malusog na katawan nito at mahina na ring kumilos. Madalas ay namamaga ang mga binti ng kanyang ina dahil sa water retention. Kung puwede lamang ay ayaw niya itong iiwanan mag-isa pero nais niyang makapagtabi ng pera habang baguhan pa lang siya sa Delizioso Restaurant at wala pa siyang sahod. Ilalaan niya ang pera para panggastos sa pagda-dialysis ng ina. “Baka kung mapaano ka sa pag-uwi mo," nag-aalalang wika ng ina. "Si Ems ayaw na papasukin ng ina kasi nga may trabaho na kayo pareho.” “Wag na po kayo mag-worry Ma. Kaya ko po.” Humalik si Tina sa ina at lumabas na ng bahay. At habang naglalakad siya ay tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha. Gusto niya ng huminto sa pagbibilad ng katawan sa mga hayuk na mga customer ng club pero gusto pa niyang humaba ang buhay ng kanyang ina hangga’t may magagawa siyang paraan. Lahat ay gagawin niya mabuhay lamang ito. Pagdating ni Tina sa club ay tumuloy agad siya dressing room. Dalawang beses siyang isasalang sa sayaw kaya gusto niyang i-condition ang sarili sa mga sayaw na gagawin niya. Siyang pagpasok ni Scarlet. “Huwag ka ng magbihis Tina at hindi ka sasayaw ngayon," wika ni Scarlet. “Po? Bakit po?” nagtatakang tanong ng dalaga. Paano na ang pangpa-dialysis ng kanyang ina? “Tina, makinig ka sa sasabihin ko.” Mataman siyang tinitigan ni Scarlet. “Naaawa na ako sa’yo. Alam kong hindi mo gusto ang ginagawa mo pero wala kang choice.” Napayuko si Tina, totoo ang sinabi ng kanyang ninang, wala siyang choice sa ngayon. “May kumuha ng service mo at malaki ang bayad sa’yo. Isang gabi ka kang sasayaw at ang bayad ay katumbas ng one month performances mo.” “Po?” Nagulat si Tina sa laki ng offer. Bigla siyang natakot. “A-ano po ang gagawin ko? Ka-kanino po? At saan?” sunod-sunod na tanong ng dalaga. “Don’t worry. Kilala ko siya at sayaw lang ang gagawin mo. Pamangkin siya ni Boss at sasayaw ka sa stag party ng kaibigan nito," wika ni Scarlet. Batid niya na pikit-mata lang ang pagtanggap ni Tina sa pagsasayaw ng halos hubad dahil sa laki ng pangangailangan nito. “Tina, pagkakataon mo ng huminto pagkatapos nito.” “Katulad din ba ng sayaw ko dito?” Kabadong-kabado si Tina. First time niya itong gagawin sa labas ng club. “Hindi ka maghuhubad, just a sexy costume. Maari ka din gumamit ng maskara kung gusto mo. Pasasamahan din kita kay Dagul.” Ang bouncer ng club ang tinutukoy ni Scarlet. Nabawasan ang kaba ni Tina sa narinig. “Kelan po yun?” “Sa makalawang lingo pa. Tatawagan na lang kita pag malapit na. Dont’ worry, sisiguraduhin kong safe ka sa pupuntahan mo." Niyakap ni Scarlet ang inaanak bago tumalikod. Paglabas ng dressing room ni Tina ay hindi niya maiwasan na hindi silipin ang legde. May mga sumasayaw na isang grupo ng mga sexy dancer. Naisip niya kung mayroon man siyang mami-miss sa club ay ang mga naging kaibigan niya at ang kanyang ninang. Samantala, naipit sa traffic si MK. Naiinis na naman siya dahil plano niyang tumuloy sa Exec’s Night Club. Sabado night at magpe-perform si Lady Scorpion. Napangiti siya ng matanaw niya ang Club na malapit na. Nag-ring ang kanyang cellphone. “Hello Mom.” “MK, Momsie is in St. Lucas hospital.” nag-aalalang wika ng ina ni MK. “What! Why?” Naalarma si MK. “Tumaas ang blood pressure niya, Anak. Please drop by. Hinahanap ka niya," wika ng kanyang ina. “Ok, I’ll be there in an hour.” Nagmaniobra ng sasakyan si MK pabalik dahil mas kailangan siya ng kanyang Lola. Pagdating ng hospital ay nagmamadaling umibis ng kotse si MK. “Hello, room of Mrs. Portman please?” “Room 201 po Sir,” kinikilig na sagot ng Nurse. Agad niya itong hinanap at nadatnan niya na nakahiga ang kanyang lola kausap ang kanyang mga magulang. Pagkatapos magbigay galang sa mga magulang ay nagmano at yumakap si MK sa kanyang lola. “Momsie, are you okay now?” “Ken, my boy. I’m okay. Don’t worry.” Maaliwalas ang mukha ng matanda. “Baka naman napagod kayo sa mga halaman n’yo. Ipaubaya mo na kasi yun sa hardinero,” malambing na sermon ni MK. Plantita kasi ang kanyang lola simula’t sapul at nakagisnan na nila ito ng kanyang mga kapatid. “Medyo nahilo lang ako kanina,” katwiran ng matanda. “At saka Momsie. I’m a big man now. I’m no longer a boy.” Iniliyad pa ni MK ang dibdib ng pabiro. Sumabat naman ang ama ni MK. "Damulag na 'yan, Mom." “Hay naku, mag-asawa ka na. Bigyan mo na ako ng apo. Para makalaro ko pa habang buhay pa ako.” himig tampo na wika ng matanda. “Momsie naman. Wala pa akong balak mag-asawa,” reklamo ni MK. Wala naman talaga siyang seryosong relasyon. “Pero kung gusto n’yo ng apo sa tuhod eh madali lang yun,” nangingiting biro ni MK. “MK, never joke about marriage.” Mabilis na saway ng ina ni MK. “Just kidding Mom. Kung sakali lang naman,” nakatawang bawi ni MK. Nakwakunot na kasi ang noo ng kanyang ina. Nakauwi na si MK sa kanilang bahay at hindi siya dalawin ng antok. Naisip niya ang hiling ng kanyang lola. Siya na lang ang anak na nakatira kasama ng kanyang mga magulang. Ang kanyang lola naman ay mas gusto sa ancestral house nito sa probinsiya tumira. Nakabukod na ang kanyang Kuya Nial at Ate Marra dahil may kani-kaniya na itong mga pamilya. May anak na ang kanyang ate at buntis naman ang asawa ng kanyang kuya pero ang kanyang lola ay lagi na lang pinapaalala sa kanya ang pag-aasawa subalit wala pa siyang balak magpatali sa isang buhay may-asawa. Biglang may pilyong ideya na pumasok sa kanyang isip. What if kung tuparin nga niya ang gusto ng kanyang lola na apo sa tuhod? Napangiti siya sa naisip. Dapat siyang maghanap ng magiging ina ng anak niya. Pumasok sa isip niya ang bagong hire nilang restaurant crew na si Cristina. Maganda at makinis ito at higit sa lahat seksi. Pero mas seksi pa rin si Lady Scorpion, sabi ng isip niya. Nabubuhay ang pagnanasa niya sa tuwing nai-imagine niya ito. Nakatulugan ni MK ang pag-iisip. “Ohhhh.” Napapaliyad sa sarap si Lady Scorpion. “I’ll bring you to heaven my lady.” Humihingal si MK sa pagkasabik. Gustong-gusto niya ang nakikita niyang reaksiyon ni Lady Scorpion habang patuloy siya sa pag-indayog sa ibabaw nito. Susulitin niya ang lahat dahil sa tagal ng kanyang paghihintay. “C’mon my lady, let’s do it together.” Ayan na, malapit na, makikita niya kung paano titirik ang mga mata ni Lady Scorpion habang humahalinghing ito sa sarap. “Ohhhh, my lady.” “Tok-tok-tok!” “MK, it’s nine-thirty already! You’ll be late!” tawag ng inang si Alex habang kumakatok. Napabalikwas si MK. “Oh Shit.” Napatakbo siya sa shower room. Late na nga siya sa rehearsal. Delizioso Restaurant caters various cuisines. After the soft opening ay dinagsa agad ito ng mga customers at sunod-sunod na ang mga bookings para sa mga wedding and party celebrations. Madalas ay mga taong konektado rin sa showbiz ang mga kliyente sa restaurant dahil maraming kakilala si MK. Si Brix ang tumayong General Manager at si MK naman ang namahala sa mga advertising campaigns ng restaurant at madalas ay sa gabi siya nakakapunta ng restaurant dahil sa kanyang mga showbiz commitments. Nagkaroon din ng re-organization ng mga staff at crews. Si Ems ay naging cashier sa day shift at si Tina ay cashier sa evening shift. Nagpapang-abot silang magkaibigan dahil sa turn-over ng mga cash receipts. Ang cubicle ng cashier ay nasa loob ng Manager’s office. Tanging glass panels ang naghihiwalay ng cashier’s cubicle at sa office ng dalawang Managers. Madalas si Brix ay present sa umaga at si MK naman ay sa gabi. Walang magawa si MK habang nakaupo sa kanyang puwesto. Nasa harap niya ang kanyang laptop pero lampas ang kanyang tingin dito. Pinagmamasdan niya ang nakatalikod na si Tina. Nagkasundo sila ni Brix na gawing panggabi si Tina at si Ems ang pang-araw. Hindi maiwasan ni MK na hindi titigan ang nakatalikod na dalaga. Halata sa suot nitong uniform ang magandang hubog ng katawan. Idagdag pa ang well-shaped nitong pang-upo sa ilalim ng suot nitong slacks. Simple lang ang ganda ni Tina. Makinis at maputi, katamtaman ang tangos ng ilong, expressive eyes, makinis ang pisngi at pouting lips. Naalaala bigla ni MK si Lady Scorpion, pouting lips din ito at buhay pa rin ito sa kaniyang imahinasyon. Pakiramdam ni Tina ay may mga matang nakatitig sa likod niya. Pinakaiwas-iwasan niya ang tumingin o lumingon sa bandang likuran. “Did you eat already?” Muntik ng mapatalon sa gulat si Tina. Pagkatapos ng grand opening ng restaurant ay ngayon lang uli niya nakita si MK. Napatayo si Tina at humarap. “N-not yet Si-r,” nabubulol na sagot ni Tina. Lihim na nangingiti si MK. Halata pa rin na star strucked sa kanya ang dalaga. Sabagay halos lahat naman ng tauhan nila sa restaurant ay nahahalata ang palihim na pagkakilig kapag naroon na siya. “You must take a break for a couple of minutes and take your supper,” wika ni MK. “Later na lang S-sir. Hindi po ako nagugutom.” Hindi makaalis si Tina sa puwesto niya dahil maraming customers ang dumagsa at maliban pa rito ay kinakabahan siya dahil sa gagawin niyang dance performance mamayang paglabas niya galing trabaho. Sasamahan siya ng bouncer ng Exec’s Club at ihahatid sa hotel kung saan siya magpe-perform. Wala rin siyang binanggit kay Ems sa gagawin niya at baka magsumbong ito sa kanyang ina. Nag-dial si MK sa cellphone nito. “Chef Yuri, magpaakyat ka ng meal sa office ko. Good for two.” Napatanga si Tina. Bakit dalawa ang inorder na pagkain ng kanyang boss? “Sabay na tayong kumain, Tintin,” turan ng binata. Nagulat si Tina sa tawag sa kanya. Dalawa lang ang tumatawag sa kanya ng Tintin, si Ems at ang kanyang ina. “Sir, pupunta na lang po ako sa kitchen.” Bigla siyang nahiya. Sinisi niya ang sarili, Sana pala ay nagsinungaling na lang siya na kumain na siya. “No. Please stay," pautos na wika ni MK. Tumunog naman ang cellphone nito at lumayo sa dalaga. Hindi na nagawang tumanggi pa ni Tina. Bumalik siya sa kanyang ginagawa. Naghalo ang kanyang pakiramdam. Excitement dahil sa presence ng guwapo niyang boss at kaba dahil sa gagawin niyang dance performance mamaya. Inabala niya ang sarili sa pag-arrange at pag-file ng mga resibo sa kanyang mesa. “Com’on. Let’s eat, Tintin.” Nanigas si Tina sa kanyang upuan. Parang ang lapit sa kanya ng nagsalita. Kumabog ang kanyang dibdib. Makakasalo niya sa hapag ang kanyang guwapong boss. “Tintin.” Tawag uli ni MK. Biglang napatayo si Tina at sabay about-face. “Y-yes S-sir. Ay!” Ngunit huli na, nasa likuran pala niya si MK at bumangga siya sa matipunong katawan nito. “Uups!” Mabilis na nasalo ni MK si Tina. Nahawakan niya ang dalaga sa baywang at nagdaiti ang kanilang mga katawan. In that moment their eyes met and locked. Both heartbeat beats faster. Bumaba ang tingin ni MK sa mga labi ng dalaga na waring nag-aanyaya ng halik. “S-sir, sor-ry,” mahinang sambit ng dalaga. Waring nagising naman si MK. Bumitiw at ngumiti siya sa dalaga. “It’s okay. Kasalanan ko rin naman. Ginulat kita.” Iginiya ni MK ang dalaga papuntang hapag sa may pantry at ipinaghatak pa ng upuan ang nag-aatubiling dalaga. “T-thank you, S-sir,” pabulol na wika ni Tina. Gusto niyang murahin ang sarili dahil sa pag-i-stammer niya. “Don’t be shy, Tintin. Eat well,” wika ni MK. Muli itong tumayo dahil nag-ring uli ang cellphone nito. Hindi rin ginalaw ni Tina ang kahit ano sa hapag. Pakiramdam niya ay hindi niya malulunok ang pagkain kapag kaharap niya si MK. Bumalik si MK sa hapag ng matapos ang pakikipag-usap. Naupo na ito at inabutan pa ng kanin at ulam si Tina. Hiyang-hiya ang dalaga.Maliban sa nagreregodon ang puso niya dahil kaharap niya si MK ay kinakabahan din siya sa dance performamce niya sa pupuntahan niyang hotel. "Malungkot kumain mag-isa, that's why I invited you," wika ng binata. Ngumiti si Tina pero hindi niya magawang mag-komento. Natapos ang kanilang dinner na si MK lang ang nagsasalita at puro ngiti at tango lang naging sagot ni Tina. Pagkatapos ng kanyang shift ay agad nagmadali sa pagbibihis si Tina. Mabuti na lamang at umalis agad si MK pagkatapos nilang kumain. Maabilis niyang ginawa ang pagsasaayos ng mga resibo at pagbibilang ng benta dahil naghihintay na sa labas ang bouncer na si Dagul. “Hay naku. Ang iba riyan ginagamit ang ganda para gumaan ang trabaho,” parunggit ng isang crew. “Tama ka diyan girl. Palihim na kumekerengkeng. Ang che-cheap,” parunggit din ng isa pa. “Humph, paglalaruan lang sila ng mga iyan," komento ng nauna. “Tama ka girl. Parang hello-goodbye lang,” komento ulit ng pangalawa kasabay ng tawa. “O kaya ay isang linggong pag-ibig,” sagot uli ng nauna na kinanta pa ang sinabi nito. Walang kibo at matamlay na umalis si Tina pagkabihis. Pinariringgan siya ng iba niyang kasama. Paano pa kaya kung malalaman nila na isa siyang dancer ng club?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD