Lipstick

2242 Words
Samantala, sa mansiyon ng mga Portman, kasabay ni MK na nag-aagahan ang mga magulang. “MK, how many times do I have to tell you not to go places or stay in your condo unit alone?” panimulang sermon ng ina ni MK habang sumisipsip ng tsaa. “Who told you that? Si Mang Pilo na naman,” wika ng binata. Mukhang na-corner na naman ng kanyang ina ang kanyang driver. “Don’t worry Mom. I can manage,” anang binata sa gitna ng pagsubo ng sandwich. “It’s dangerous for you. You are a celebrity.” Nayayamot na wika ng ina sa katigasan ng ulo ng kanyang anak. “Dumadami na yata ang nali-link sa’yo. Please be careful,” wika naman ng kanyang ama na nagbabasa ng business news. “It’s showbiz nature, Dad. You know that,” katwiran ni MK habang panay ang subo ng pagkain sabay sa pagtipa ng kanyang cellphone. “Son, you’re already twenty seven. You should start looking for a serious relationship," seryosong wika ng ina ng binata. “Mom, I’m still young. And besides wala pa akong balak mag-asawa,” sagot ni MK sa ina. Tumayo ito at lumapit sa ina saka humalik sa noo. “Bye Mom, Bye Dad.” “I thought it’s your day-off today? Wala pa naman ngayon si Pilo,” nag-aalalang wika ng ina. “I can manage,” wika ni MK habang papalabas ng dining area. Napailing at nangingiti na lamang ang kanyang ama. “Yang bunso mo talaga, Hon,” wika nito sa asawa. “Nagmana sa’yo,” nakangiting wika ng ina ni MK. Samantala, nag-leave muna sa trabaho si Tina para samahan si Bea sa dialysis nito. Tumunog ang kanyang cellphone at nakita niya ang number ni MK. Lumabas muna siya ng kuwarto. Ayaw niyang marinig ng kanyang ina ang kanilang pag-uusap. “Hello,” pigil ang excitement ng dalaga. Pakiramdam niya ay mas tumindi pa ang pagka-crush niya sa kanyang boss. “Hi, Tintin,” matamis na bati ng nasa kabilang linya. “Are you free today?” “Ha-eh. Sir, kasama ko si Mama. Dialysis schedule niya today,” nag-aatubiling wika ni Tina. “Oh I see. How about in the afternoon? Magreport ka sa condo unit ko," wika uli ng nasa kabilang linya. “Si-sige, Sir.” Gusto pa sanang magtanong ni Tina kung ano ang dahilan pero dahil boss niya ito kaya hindi niya itinuloy. Naging palaisipan sa dalaga kung bakit siya pinapupunta ni MK sa condo nito samantalang sabado lang ang usapan nila. Hindi mapakali si MK, alas dos na wala pa si Tina. Palakad-lakad siya at panay ang tingin sa cellphone. Nag-aabang sa message ni Tina kung sakali. Pumunta siya sa kusina, nag-isip ng pagkain na puwedeng i-offer kay Tina sa sandaling dumating ito. Pero magtatagal kapag nagluto pa siya kaya naisip niya magpa-deliver na lang para mas mabilis. Pagkatapos umorder ay bumalik siya sa kuwarto. Humarap sa salamin at sinipat ang sarili. Inamoy-amoy ang bahagi ng kili-kili at bumuga ng hangin sa kamay niya at inamoy-amoy ang hininga. Naligo naman siya kaninang umaga at nag-toothbrush pagkatapos kumain ng tanghalian. Pumasok siya nag banyo, magsa-shower at magto-tooth brush na lang uli siya. Nakabihis na ng bagong damit si MK ng tumunog ang door bell. Dumating ang inorder niyang pizza. Napatingin siya sa relo. Wala pa rin si Tina. May nag door bell uli. Nagmadali siyang lumabas ng kuwarto para buksan ang pinto. Inaasahan niya si Tina. Mabilis niyang binuksan ang pinto. “Kristel?” Nawala ang ngiti ni MK. “Hi Baby.” Agad-agad nanguyapit sa leeg ni MK ang bagong dating at hindi nagawang umiwas ng binata sa mapangahas at sabik na halik nito. Binaklas ng nayamot na binata ang mga kamay ni Kristel mula sa kanyang leeg. “Didn’t I tell you to wait for my call? I have an appointment with my manager.” “No problem, Baby. I won’t interfere. I can wait,” malanding wika ni Kristel na sadyang hinimas pa ang dibdib ng binata pababa hanggang sa umbok nito. “Gio is coming. Next time na lang. Please.” Pigil ang pagkainis ni MK at kumalas sa babae. “I’m sorry but our meeting is important.” Inakbayan ni MK si Kristel at paakay na inilabas ng kanyang unit hanggang sa parking ng sasakyan ng babae. Walang nagawa ang nagpoprotestang babae. Samantala, panay ang pindot sa doorbell si Tina ngunit walang nagbubukas. Kinakabahan na naman siya sa muling paghaharap nila ng binata. “Tintin.” Napalingon si Tina ng marinig ang boses ni MK sa kanyang likuran. “Good afternoon, S-sir.” Napatitig si Tina sa mga labi ni MK. Mga labi na laging mapula at parang kay sarap humalik. “Bakit?” Napatitig din si MK sa dalaga. “May lipstick ka sa bibig, Sir?” Lalong tinitigan ni Tina ang mga labi. “Oh, no. Yung hot sauce tinikman ko kanina.” Agad-agad pinunasan ni MK ng panyo ang mga labi. “May kinuha lang ako sa kotse kaya ako lumabas,” paliwanag ng binata sa dalaga na hindi naman nagtatanong. “Come in. Sit down," nakangiting wika ng binata. Ngiti na lalong nagpakaba kay Tina. Hindi magawang maupo ni Tina. “S-sir, bakit mo ako pinapunta dito? Akala ko every Saturday lang.” Pakiramdam niya ay umaalon ang kanyang tiyan lalo na ng titigan siya ni MK. Lumapit ito sa kanya at hinawi ang kanyang nakalugay na buhok. Amoy na amoy niya ang pabango nito. “I need you, Tintin,” wika ni MK habang hinihimas ng likod ng palad ang mga pisngi ng dalaga at pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang kamay ng dalaga. “You’re so cold,” wika ng binata habang pinipisil ang dalawang palad ng dalaga. Lalong kinabahan si Tina sa narinig. “Sir, ba-bakit po.” “I told you, don’t call me Sir and no po and opo when we’re alone.” Naging malamyos pa ang tinig ng binata. “I want you to call me Ken, do you get me?” “Y-yes sir, este K-ken.” Kakaibang kiliti ang naramdaman ni Tina sa walang tigil na pagpisil ni MK ng mga palad niya. “Tin, I need you to pretend as my girlfriend for my Lola.” “G-girlfriend S-sir, err K-ken.” Nagkanda-utal-utal na ang dalaga sa kaba. Hindi ba pangarap niya na maging sila ni MK kahit sa panaginip man lang? Pero ngayon may halong pangamba ang nararamdaman niya. Naalala niya ang babala ng kanyang ina. ‘Artista yan’ “I will visit her tonight sa Batangas. Ipapakilala kitang girlfriend ko. Okay, Honey?” Ang dalawang palad ni Tina ay dinala ni MK sa pisngi nito at dinama ito. “Why you’re so cold?” natatawang komento nito. “Mabait ang Lola ko. Don’t be afraid.” Hinalikan niya ang likod ng dalawang kamay ng dalaga. “This is just a warm-up sa mga gagawin natin.” Hindi na makapagsalita si Tina. Sinundan na lamang niya ng tingin ang ginagawa ni MK. Ngayon pa lang ay natatakot na siya sa mga susunod na mangyayari. Pumasok ang kotse ni MK sa isang malaking gate at tumambad kay Tina ang isang ancestral mansion. Napapaligiran ito ng mga punong may bunga at mga bulaklak. Napakalawak ng garden na may magandang landscape. Hangang-hanga si Tina sa iba’t-ibang klaseng orchids at makukulay na mga bulaklak. “This is my Lola’s sanctuary,” pagmamalaking wika ni MK habang naglalakad sila sa mahabang pavement. Pumitas si MK ng bulaklak ng orchid at inilagay sa tainga ni Tina. “Wait, honey. Stand still.” Napatanga si Tina. Wala pa sila sa harap ng lola nito pero kung makatawag ng honey sa kanya ay wagas. “We have to practice here first. Para effective and convincing kay Lola. Smile, Honey,” wika ni MK habang iniumang kay Tina ang cellphone at pinindot. Pagkatapos kunan ng picture si Tina at ginawa itong wall paper ng cellphone. “See, more convincing,” nakangiting wika pa nito na ipinakita kay Tina ang wallpaper ng cellphone. “Ken, my boy.” Isang excited na tawag ang nagpalingon sa dalawa. “Momsie.” Tuwang-tuwa naman si MK na sinalubong ang kanyang lola. “I missed you, Momsie.” Mahigpit niya itong niyakap. Napansin ng matanda si Tina. “Sino ito? Siya na ba ang girlfriend mo?” masayang tanong ng matanda. “Yes, Momsie.” Hinapit ni MK si Tina sa baywang. “I want you to meet my girlfriend, Tina. Hon, my Lola Amy.” Namilog naman ang mga mata ng lola sa tuwa. “Hi Tina. Naku sa wakas nagka-girlfriend ka rin,” masayang wika nito. “Kumusta po kayo,” magalang na wika ni Tina habang nagmamano sa kamay ng matanda. Pigil na pigil ang pakiramdam ni Tina. Bakit kasi pang best actor ang acting ni MK. Kung makahawak sa baywang niya ay halos nakayakap na sa kanya at halos mahahalikan na siya sa sobrag lapit ng mukha sa kanyang pisngi. “I’m good, Iha. Come inside. Tamang-tama may kasalo ako sa hapunan mamaya.” Masayang-masaya ang matanda na agad inakay si Tina papasok ng bahay. “Simang, ipaghanda mo sila ng meryanda.” Lihim na nagpasalamat ang dalaga dahil sa wakas bumitiw si MK sa kanyang baywang. Nang makaupo sila sa sofa ay sinadya ni Tina na maupo sa tabi ng lola ni MK at si MK ay sa single sofa naupo. Inilapag naman ng kasambahay ang inihandang meryenda na pineapple juice at chiffon cake. Ipinag-slice ni MK ng cake si Tina at inabutan ito ng juice. “Honey,” wika nito ng iabot kay Tina. Ngiti lang ang sagot ng dalaga ng abutin ang pagkain. Sa isip niya mas magaling si MK dahil artista na ito. “Mabuti at nakapasyal ka dito, Tina. Ito kasing si MK bihira na akong dalawin,” nagtatampo na wika ng matanda. “Sorry, Momsie. I was so busy this past weeks," paumanhing wika ng binata habang umiinom ng juice. “Don’t worry, dadalasan ko na ang pagdalaw ko sa’yo. “Promise yan ha, Apo," naglalambing na wika ng matanda. “Yes, Momsie. Promise.” Nag-cross finger pa si MK. “Isama mo lagi si Tina. At saka iha, pag pinaiyak ka nitong apo ko, isumbong mo sa akin,” wika pa ng matanda. Pilit naman ang ngiti ng dalaga dahil sa kaba. “Wow, Honey. Ang lakas mo na agad kay Momsie,” pabirong komento ni MK. “Alam mo, Ken. Matanda na ako. Gusto ko bago ako lumisan sa mundo ay makita kong ikasal ka kagaya ng mga ate at kuya mo. At dito sa bahay ko kayo titira ni Tina. Muntik ng mabulunan si Tina sa nilulunok na pineapple juice. Magpi-pretend lang ang usapan, bakit iba na ang tinutungo ng usapan. Bahagyang natigilan naman si MK sa tinuran ng kanyang lola. Mukhang mapapasubo pa yata siya. “Momsie, matagal pa tayong magsasama-sama. Please, wag kang mag-isip ng ganyang bagay," wika ng binata. Ayaw niyang sumama ang loob ng kanyang lola pero mukhang advance din mag-isip ito. Dati girlfriend lang ang hinahanap sa kanya, ngayon kasal naman. Tumunog ang cellphone ni Tina. Nag-excuse siya kay MK at sa lola nito saka lumayo sa dalawa. “ Hello, Ella.” “Ate Tina, si Mama Bea. Isinugod namin sa hospital.” Puno ng pag-aalala ang boses ng kanyang kausap. “My God." Nanlamig ang pakiramdam ni Tina. "Ella, please 'wag mong pabayaan si Mama. Sige pauwi na ako.” naratarantang wika ni Tina. Napaiyak na siya at sinisi ang sarili dahil dapat nakabantay siya sa ina. “Honey, what’s the problem?” nag-alalang wika ni MK. Lumapit ito sa dalaga at pinunas ng kanyang panyo ang mga luha ng dalaga. “Why are you crying?” “Ken, pwedeng umuwi na tayo? Nasa hospital si Mama.” Tuluyan ng napahagulhol si Tina. “Okay, we’ll go home now. Don’t cry.” Niyakap ni MK si Tina at hinimas-himas ang mahabang buhok ng dalaga. Napayakap na rin si Tina sa binata. Nawala na sa loob niya ang pagkukunwari nila ng binata sa harap ng lola nito. “Tina, iha. Bakit?” nag-aalala ring tanong ng papalapit na si Lola Amy.” “Momsie, sorry we can’t stay for dinner. Tintin has an emergency. Nasa hospital si Tita Bea,” paumanhing wika ni MK. Nalungkot naman si Lola Amy, “Oh God, I wish she’s fine. Sige iho, mag-ingat kayo sa biyahe.” Pagkarating ng hospital ay nagmadaling bumama ng sasakyan si Tina. Matapos magtanong sa nurse station ay lakad-takbo niyang hinanap ang kinaroroonan ng ina. Nakasunod naman si MK sa dalaga. Lumakas ang mga bulungan at hagikhikan ng mga nurses ng mamukhaan nila si MK. Naabutan ni Tina sa recovery room ang natutulog na ina. May nakakabit na dextrose at binabantayan ito ng kapatid ni Ems na si Ella. “Ella, anong nangyari kay Mama?” humahangos na tanong ni Tina. “Bigla siyang nahilo kanina. Sabi ko, 'wag ng tumayo pero pinilit pa rin niya,” nag-aalalang paliwanang ni Ella. “Katatapos pa lang ng dialysis niya kaya dapat pahinga siya.” Na-guilty si Tina dahil siya dapat ang nakabantay sa ina. Nahabag siya sa kalagayan nito dahil wala na sa dati ang malusog na katawan nito. Madalas namamaga ang mga paa at binti nito. “Ate Tina, gusto ka raw makausap ng doctor.” wika ni Ella na biglang napangiti ng makita ang pagpasok ni MK.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD