Natapos ang premier night ng movie nila MK at Kim. Mataas pa rin ang naging ratings nito sa takilya. Matagumpay na natapos ni MK ang lahat ng kanyang mga commitments ngunit sa kabila nito ay dala-dala niya ang guilt feelings sa pagsisinungaling niya tungkol kay Tina. Ganoon pa man ay nagkaroon pa rin ng epekto sa kanyang career ang lumabas na video scandal dahil tinanggal na siya bilang endorser ng isang sikat na computer school sa buong bansa. Pinagbakasyon din siya sa kinabibilangan niyang daily noontime show dahil sa nangyaring scandal. At hindi na natuloy ang dalawa pa niyang product endorsement na gagawin. Malungkot niyang tinatanaw na ibinababa ang billboard ng isa pa niyang endorsement na kiddy hotdog sa kahabaan ng national road. Hindi niya ininda ang pagkawala ng mga ito. Ang higi

