Sa wakas, makalipas lang ang isang linggo ay natapos na ang pinapagawa ni Mira na kaniyang law firm. Nagdesisyon siya na kumuha na ng maraming tao na gagawa dahil sa mabilis na pag-usad ng kaniyang mga papeles. Ang saya niya habang naglilinis sila. Hindi niya alintana ang pagod. Hinihintay na rin nila ang pagdating ng mga in-order niyang gamit. Excited na siya dahil sa isa rin sa pangarap niya ang magkaroon ng law firm at hindi pa niya akalain na sa Bayan pa nila iyon matutupad. "I'm so grateful seeing all this things despite of what happened," aniya sa sarili habang iniikot ang paningin sa buong opisina na iyon. "Ang ganda na ng law firm mo, Atty. Gomez, wika ni Nick na hindi man lang niya napansin na nasa tabi na niya pala ito. "Sobra! Ang ganda ng kinalabasan ng design natin." "

