Pagkaalis ni Nicholas ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. Tinawagan niya si Nathan ngunit nagri-ring lang ang cellphone nito. Nakatatlong dial na siya ngunit hindi pa rin ito sumasagot. "I think his busy," aniya sa kaniyang isipan. Tinapos na niya ang ilang paper works na nakapatong sa kaniyang mesa. Pinilit niyang mag-concentrate sa trabaho kahit na sumisingit pa rin sa kaniyang isipan ang nangyari kagabi. Nang matapos iyon ay pinuntahan niya si Hazel sa Marketing department para magpaalam dito. "O, akala ko ba bukas ka pa ng umaga aalis?" "Wala naman akong gagawin sa bahay kaya naisipan ko ng bumiyahe." "Ikamusta mo na lang ako sa kanila, ha? Pati na rin sa mga classmates natin doon. Sigurado akong masaya sila na makita ka na successful na." "Sure! Eh, sa crush mong si Tom

