Bahagyang ngumiti si Mira sa sinabi ni Nicholas. Hindi niya pinahalata ang kilig na naramdaman. Patapos na silang kumain nang dumating sina Ruth at Arthur. "Yes, makakapagbukas na ng pasalubong," excited na sabi ni Arthur sabay palakpak nito. "Magsiupo na at nang masimulan ang live selling. Mine lang sa may gusto," biro niya sa mga ito. "Mine all," sigaw ni Marie. "Don't worry at meron kayong lahat." Magkatuwang sila ni Nicholas na binuksan ang mga kahon ng pasalubong. Tuwang-tuwa ang mga ito habang isa-isa niyang iniaabot ang pasalubong at tulad ng sinabi niya ay sinigurado niyang nagkaroon ang lahat. "Salamat, mga anak. May bago na naman akong polo at pantalon," nakangiting wika ng kaniyang Itay habang inilalapat sa katawan ang damit. "Bibilhan ko pa po kayo uli sa susunod, Ita

