kinagabihan, hawak ko na ang magkukumpirma ng totoo kong kalagayan. napahigpit ang hawak ko sa Pregnancy test na binili ko kanina. Bukas ng umaga ko na lang to gagamitin. hindi ko malaman kung anong kaba at takot ang nararamdaman ko. KINABUKAsan* bago maligo ay ginawa ko muna ang dapat kong gawin. pagka-ilang drops ay hinintay ko ang resulta.. O.O napatakip ako sa bibig ko at nagsimula nang tumulo ang luha ko.. bakit ngayon pa. kung kailan hindi ok ang sitwasyon namin ni Jethro? pano ko sasabihin sa kanya na buntis ako kung palagi niya naman akong iniiwasan. nagring ‘yong phone ko. Si Meredith natawag. “Astrid, papasok ka na ba?” “Y-yeah. kita na lang tayo sa campus” “ok see yeah” nagprepare na ako para pumasok.. pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko

