ilang minuto lang rin ay umalis na si jerome. naiwan akong mag isa dito. hawak hawak ko ang phone ko at nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba si Meredith o hindi .. pero napagdesisyunan kong huwag na lang.. bakit ba ‘yong mga simpleng bagay, nagiging big deal sa amin ni Meredith. “Urgh.” -napahilamos ko na lang nang magkabila kong palad sa mukha ko.. ang sakit sa ulo. ganito ba epekto ng isang seryosong relasyon? lahat magiging isyu? hindi kaya masyado kaming nagmadali ni Meredith sa relasyon na to? hindi . I love her. at hindi ng hindi ko pagsisisihan ang relasyon naming to. tumayo na ako at nag-drive pabalik ng campus. We should talk. Dismissal na rin naman eh. ASTRID's POV after lunchbreak ay nagresume na ang klase. Wala si DJ. si Meredith tahimik lang...

