ANIKA Matapos kong makausap si Kuya Aidan, nagpasya akong lumabas ng guest room para hintayin sa ibaba ang kapatid at tatay ko dahil papunta raw sila dito. Iyon ang sabi ni Kuya Aidan nang huli ko siyang makausap. Hindi na ako tumawag sa kaniya dahil ang sabi niya ay dadaan sila dito sa bahay ni Leo para makita nila ako. Mabagal akong naglakad papunta sa elevator. Maingat ang bawat hakbang ko dahil may pagkakataon na nararamdaman ko ang pagguhit ng kirot sa aking binti, pataas sa hita at balakang ko. Malaki ang bahay ni Leo, kaya hinihingal na ako nang marating ko ang elevator. Sandali akong sumandal sa pader bilang suporta. Humugot rin ako ng ilang malalim na buntonghininga para kumalma ang mabilis na pintig ng aking puso dahil nakakaramdam na naman ako ng pagbilis ng pagtaas-baba ng

