ANIKA “Anong pinag-usapan ninyong dalawa ni Daddy, Leo?” agad kong tanong sa kaniya nang makaalis na ang aking ama at kapatid. “It's about business,” agad niyang sagot. Tumaas ang kilay ko dahil hindi ganoon ang alam kong pinag-usapan nila. “Hindi porke't wala ako doon, magsisinungaling ka na,” walang emosyon na sabi ko sa kaniya. “Sa lahat ng ayaw ko, ay sinungaling, Leo.” Dahil magkatabi kami at hindi naman ako nakatingin sa kaniya, hindi ko nakita kung ano ang naging reaksyon ni Leo nang sabihin ko ito sa kaniya. “I'm not lying,” sagot ni Leo. “Iyon talaga ang pinag-usapan namin ni Tito Alex kanina.” “How about marriage?” makulit na tanong ko sa kaniya. "Are you really that eager to marry me, Anika?” Nangunot ang aking noo. Bumaling ako kay Leo dahil hindi ko alam kung pabiro

