Chapter 10

1541 Words

ANIKA “Mommy!” Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Claire. Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako. “I miss you, Mommy,” malambing na sabi sa akin ni Claire. Hinalikan pa niya ako sa pisngi, kaya napangiti ako dahil alam ko kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. “Bakit ngayon ka lang umuwi, Claire?” tanong ko sa anak nina Clara at Harold. “Hindi ba dapat kanina ka pa nakauwi?” “Kasi, Mommy…” Napatingin si Claire kay Harold, kaya bumaling ako sa kaniyang ama. “Nagbago na kasi ang schedule ni Claire, Love,” paliwanag ni Harold. “Kailan pa?” muli kong tanong. Wala akong maalala, pero sinundan ko ang aking instinct para idiin sa isipan nila na nakakaalala na ako. “Noong isang linggo pa, Love,” sagot ni Harold. Tumango-tango lamang ako at ngumiti kay Claire.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD