Palubog na ang araw. Nagtaka si Caroline nang dumaong sikla sa malayong bahagi ng isla. Hindi na ito doon sa resort na kanilang pinagmulan kanina. Medyo nag-alala na nga siya dahil baka magalit ang may-ari ng nirentahan nilang jet ski. Sinabihan niya ang binata ngunit sinaway lang siya nito. “Uy hapon na, ano pang gagawin natin dito?” Natatangay ng malakas na hangin ang basang buhok ng dalaga habang inaalalayan siya ni Onyx na maglakad sa batuhan. May nakikita siyang malalaking rock formations doon. “Ipapakita ko lang sayo ang ganda ng rock formations dito.” “Okay, basta bumalik na tayo kaagad ha.” “Oo naman. Take a look. See?” Itinuro nito ang napakagandang rock-formation kung saan nasisinagan ng papalubog na araw. The lines engraved in the rock

