Lascivious Casanova 28

3599 Words
Hindi ako makakapangako ng mabilis na update. Medyo marami po akong inaasikaso sa ngayon. I hope you can wait. Thanks for reading! -----Miss IYA----- Mahihinang halik sa aking mukha ang gumising sa akin. Nakatulog ako pagkatapos namin dahil na rin siguro sa pagod at pananakit ng katawan. "Peter's here." Narinig kong paos na bulong niya galing sa likod. Ginigising ako. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran para hindi ako lamigin. Hindi namin maisuot ang mga damit namin dahil basa. Hindi rin kami makaalis at makapunta sa school kung saan naroon ang sasakyan ni Jax dahil malakas pa rin ang ulan. Mas lumakas pa nga yata iyon ngayon kaysa kanina nang takbuhin ko. Mabuti na lang at nadala ni Jax ang telepono niya't natawagan si Peter. Dala ko rin ang sa akin pero nabasa iyon kaya kailangan kong patuyuin at hindi ko alam kung gagana pa. Hindi naman kasi ito katulad ng telepono ni Jax na waterproof. Basag rin iyon at baka napasukan ng tubig. Unti unti akong umupo. Napangiwi ako. Masakit ang mga braso ko, mga hita, lalo na ang pribado kong katawan sa pagitan ng mga hita ko. Madilim na sa labas at tanging ilaw lang ng telepono ni Jax ang gamit namin para magkakitaan. "Don't move. I'll carry you to the car." Sabi niya at tumayo. Iniyakap ko sa aking katawan ang dalawang braso pagkaupo ng maayos. Wala akong damit dahil nabahiran ng dugo ang blouse ko at basa pa rin ang skirt. Panty lang ang suot ko na napagtiyagaan kahit basa. Pumunta siya sa pinto. Maliit niyang binuksan iyon sapat lang para makuha ang inabot ni Peter na damit. Pambabae iyon at sa palagay ko'y para sa akin. May sinabi pa siya rito bago sinarado ang pinto at bumalik sa akin. "Come here." Lumuhod siya sa harapan ko at binihisan ako. Tinitigan ko siya. Suot niya ang medyo basa pa niyang pantalon. Wala siyang pang-itaas na damit. Pinamulahan ako sa dilim nang maalala ang nangyari sa amin. "Ihahatid mo ako?" Tanong ko habang abala siyang damitan ako. Tinapos niya muna ang pagbibihis sa akin bago sinalubong ang mata ko. "Hindi. Sa bahay ka muna." Tumayo siya at inalok sa akin ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Hindi ko iyon inabot at nilingon muna ang labas na madilim na. Kung magtatagal pa ako mag-aalala na ang mga magulang ko. Pagbalik ng tingin ko sa kanya, umiling ako. "Hindi ako pwedeng umuwi sayo. Baka mag-alala sina nanay at tatay." Yumuko siya at siya na ang umabot sa kamay ko. Inalalayan niya akong tumayo. Mabilis niya akong sinalo sa bewang dahil hindi ko kayang tumayo mag-isa. Masakit pa ang nasa patigan ng mga hita ko at pakiramdan ko'y mayroong sariwang sugat. Ganoon ring ngalay pa rin hanggang ngayon ang mga hita at singit ko. Ang isang braso niya'y nakaikot sa bewang ko. Ang isa pa'y inaayos ang aking buhok. Pinatakan niya ako ng halik sa labi bago nagsalita ulit. "They'll understand. Tatawagan natin sila pagkauwi. Baha ang daan papunta sa inyo sabi ni Peter. Bukas ng umaga na kita ihahatid. Sa akin ka muna matulog." Umawang ang labi ko. Nilapat ko ang mga kamay sa hubad na dibdib niya bago sinilip ang bintana. Nang nakaupo, nakikita ko ang ulan pero hindi ang itsura ng labas. Ngayong nakatayo, saka ko nakita na medyo baha nga. Mababaw dito pero siguradong sa daan pauwi ay mataas ang tubig. Pagbalik ng tingin ko sa kanya'y tumango ako at maliit na ngumiti. Nakatitig siya sa akin sa dilim kahit kaninang nasa bintana ang tanaw ko. Tila namamangha pa rin siya hanggang ngayon. Ibinaba niya ang kanyang mukha at hinalikan ulit ako sa labi bago binuhat na katulad sa bagong kasal. Pagkabukas ng pinto, nakaabang doon si Peter at mayroon dalang payong. Pinayungan niya kami hanggang sa makapasok kami sa loob ng sasakyan. "Saan ko kayo ihahatid? Sa school ba para makuha ang sasakyan mo?" Tanong ni Peter nang lingunin niya kami sa backseat. Napatingin siya sa akin. Bahagyang maliwanag sa loob ng sasakyan dahil nakabukas ang ilaw. Nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya. Kahit hindi siya nagtatanong at kahit walang sabihin si Jax sa kanya, pakiramdam ko may ideya siya sa maaaring naganap. Tumama ang mga mata ko sa mga hita ni Jax na malaking nakaparte. Lalo akong pinag-initan ng mukha nang manariwa sa akin ang malaking bagay na nakatago sa gitna ng pantalon niya. "Sa bahay na. Ipapakuha ko na lang ang sasakyan doon. Siguradong walang pasok sa umaga bukas." Tumango si Peter at nagsimulang magmaneho. Nasa kurba ng bewang ko ang isang kamay ni Jax at taas babang humahaplos doon. Ang isa ay nakahawak sa upuan sa harapan niya, sa front seat. Pinapanuod niya ang madilim na kalsada sa labas. "Mukhang matagal ang bagyong ito. Sunod sunod ang pasok ng bagyo at aabutin yata ng isang linggo." Si Peter ulit. Nagsasalita siya pero wala ang tingin sa amin. Nasa kalsada. Hindi sumagot sa kanya si Jax at sa halip ay nilingon ako nito. Nahuli niyang nakatitig ako sa kanya. Ang kamay niyang nasa bewang ko ay lalo akong hinapit palapit sa kanyang katawan. Nakahubad pa rin siya at hindi nag-abalang magdamit kahit maaari naman siyang manghiram ng damit kay Peter kanina. Ako lang ang pinakuha niya ng damit kaya't ako lang ang nakabihis. "Kung magtatagal ang bagyo. Isang linggo ka rin sa akin." Ngumisi siya. Napalabi ako at hindi umimik. Ngayong may nangyari sa amin pakiramdam ko'y may nakakonekta na sa aming dalawa. Siguro dahil siya ang nakauna sa akin kaya pakiramdam ko ngayon responsibilidad niyang panagutan iyon? Ang sabi niya gusto niya ako. At naalala ko rin ang sinabi niya bago may mangyari sa amin. Na girlfriend niya na ako once na makapasok siya. Kung ganoon, boyfriend ko na ba siya? "Pasok ka sa loob?" Si Jax kay Peter pagkababa niya sa sasakyan. Naiwan pa ako sa loob habang si Jax ay nasa pintuan. "Hindi na, Jax. Mapapagalitan ako ni Ate kung hindi ako makakauwi kaagad." Tinanguan niya ang kaibigan. Hindi ako nakaalma nang bigla niya na lang akong buhatin palabas. Tumigil muna siya sa pinto para magpasalamat kay Peter bago ito isinara gamit ang paa niya. Tahimik sa mansyon nila. Mga guard lang ang nakakita sa amin pero walang katulong sa sala. Pagkapasok sa lift saka ko pa lang nagawang magsalita. "Ibaba mo na ako. Kaya ko naman maglakad." Pinindot niya ang floor kung nasaan ang kwarto niya. Pagkaharap niya sa akin, tinaasan niya ako ng kilay. Pinipigilan kong mamula. Hindi ako sanay makakita ng pribadong katawan ng lalaki kaya hindi tuloy mawala sa isip ko ang itsura no'n hanggang ngayon. Wala akong pwedeng ikumpara sa kanya dahil siya ang una ko. So I assumed, his size was normal. Or maybe he's slightly more gifted than other men? Umiling ako sa isipan dahil baka kung saan pa mapunta ang imagination ko. His size shouldn't important, all I know is that it hurts so much. Hindi naman na siguro masakit iyon sa susunod na gagawin namin. Siya na rin ang nagsabi na sa una lang naman daw 'yon masakit. "I forcefully ripped you. I don't think you can walk." Sinundan ko ng tingin ang pagbuka ng mapupula niyang labi habang nagsasalita siya. There is something strange about me that seems to always want to kiss him. Siguro isa na sa dahilan ang mga dimples niya. Kaya kahit nagsasalita lang, para siyang nang-aakit. "Kaya ko nga." Pilit ko. Nagkatitigan kami. Nagbuntong hininga siya at dahan dahan akong ibinaba. Hindi niya ako binitawan kahit nasa sahig na ng elevator ang mga paa ko. Nakaalalay paikot sa bewang ko ang kamay niya. Nang tumunog ang lift, nanguna akong humakbang upang lumabas at patunayan na kaya kong maglakad. Masakit. Sobrang sakit. Pero tiniis ko para lang ipakita sa kanya na kaya ko. Nakakailang hakbang pa lang, nanginig na ang mga tuhod ko at nanlalambot ang buto. Mas matindi ito kaysa noong mabugbog ang katawan ko sa pagsayaw nang unang beses akong sumalang sa cheering. Hindi naman kami inabot ng buong araw bago matapos kaya bakit ganito? Bukod sa nasugatan ako'y matagal pa yatang mawawala ang pangangalay sa mga hita ko. "Jax!" Napatili ako sa gulat sa biglaan niyang pagkarga sa akin. Napansin niya yata na nahirapan akong humakbang. "I told you, you can't walk." Napakapit ako sa leeg niya. Tinaasan niya ako ng kilay nang magkatinginan kami. Napalabi ako at tumahimik na lang hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Ibinaba niya ako sa kama at kinubabawan. Nakalihis ang suot ko na dress at ang buhok ko ay nakakalat sa unan. Matagal niyang tinitigan ang buong parte ng mukha ko. Seryoso ang mga mata niya. "What's your plan? Okay lang ba na ipaalam natin sa mga magulang mo? I was thinking to talk to your parents about us. Pagkahatid ko sayo personal na kakausapin ko sila." Biglaan ang panlalaki ng mga mata ko. Kinabahan ako pagkabanggit niya sa mga magulang ko. Alam kong may nangyari sa amin pero nabigla ako sa sinabi niya. "Ipaalam na ano? Bakit mo sila kakausapin?" "I want to formally tell them that their daughter is my girlfriend." Mayabang siyang ngumisi. Naiwang nakabuka ang mga labi ko. Nakatulak sa dibdib niya ang kamay ko para hindi niya ako tuluyang madaganan. Nakabagsak ang buhok niya. Medyo mahaba iyon at aabot sa kanyang kilay. Kahit nabasa kami ng ulan kanina, parang ang lambot pa rin no'n tingnan. Samantalang ang buhok ko, siguro buhol buhol dahil basta na lang itong natuyo galing sa ulanan at hindi ko pa nasusuklay. Ibinaba ko ang tingin sa matangos niyang ilong at mapupula niyang labi. Matagal na siyang magandang lalaki. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako nagwapuhan sa kanya nang una ko siyang makita. Isang tingin ko pa lang, alam ko kaagad sa sarili na hindi siya purong pinoy. Subalit pagkatapos ng nangyari, mas naging maaliwalas siya sa paningin ko. Wala siyang ginagawa at nakatitig lang sa akin ngunit sapat na ang mga mata niya para mahigop ang lakas ko. Natunaw ang ngisi niya at kumunot ang noo sa hindi ko pagsagot. Hindi ako makapagsalita. Naninibago ako at hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na talaga siya. Hindi pa ako sigurado kanina kung seryoso ba siya sa sinabi niya bago may mangyari sa amin. Ngayong nanggaling na sa bibig niya, hindi ko na kailangan magtanong. Siya na ang nagkumpirma no'n. "What? Don't tell me you are turning me down again? Mayroon nangyari sa atin Clementine!" Gusto kong mangiti sa galit na anyo niya. Nag-aalala ba siya na mabasted ko? Hindi ba't ako dapat ang natatakot ngayon na baka tapos na siya sa akin pagkatapos makuha ang gusto niya? "Hindi ka naman nanligaw. Paano kita magiging boyfriend?" Nakagat ko ang ibabang labi ko. Gusto kong matawa nang mapanganga siya at manlaki ang mata. "What?! So you are really turning me down right now even after what happened to us?!" "I wasn't the first girl you devirginized. Naging girlfriend mo ba sila?" Lalo siyang napanganga at lalo kong nakitaan ng galit sa mata. Gusto ko lang siyang hulihin. Sa reaksyon niya, mukhang marami na siyang nakuhang virgin. Ilan taon ba siyang nagsimulang mambabae? Sa itsura niya, sa tingin ko katorse pa lang babaero na ito o mas bata pa! "Damn! I can't believe you are saying this!" Naka-igting panga siyang bumaba sa kama pagkatapos magmura. Na para bang siya ang virgin at ako ang nakauna sa kanya at ayaw ko siyang panagutan. Galit siyang naghubad ng pantalon kasama ang panloob niya. Napaiwas ako ng tingin pagkakita sa matambok niyang pang-upo. Hindi ako nakatingin ngunit dinig ko ang mabigat na paghakbang niya. Bumaling lang ako nang marinig ang padabog na pagsara ng pinto ng banyo niya. Pabalang niyang binuksan ang shower. Nakatalikod siya at kita ang buong likod niya mula ulo hanggang talampakan dahil salamin ang dingding at pinto ng buong banyo. Nangingiti ako at nag-iwas ulit ng tingin. I realized, having s*x for the first time is like giving up important milestone in your lives. Sa ibang tao wala lang iyon, and that's fine. Iba iba naman ang isip ng tao. Pero ngayon natanto ko sa sarili ko na hindi dapat iyon ipinipilit kung hindi gusto o kung kuryuso lang kung anong pakiramdam no'n. Some women or even men regretted giving up their virginities to the wrong person. Kapag nawala iyon, pakiramdam mo nabawasan ang pagkatao mo. O nawala mo ang sarili mo dahil naibigay mo na sa iba. Hindi ako kasama sa mga taong iyon dahil hindi ako nagsisisi. Sex for the first time is a big decision and you have to be responsible to yourself. Find a man who will treat you right after s*x or even after he took your virginity. Hindi ko iyon inasahan kay Jax. I didn't even expect him to cuddle me after s*x. Lalong hindi ko inasahan na magiging kami pagkatapos. Napaisip ako na kung ibinigay ko pala iyon sa kanya dahil lang curious ako, hindi ko mapapanindigan na wala lang sa akin iyon pagkatapos. Nakaramdam ako ng awa sa mga nakuhaan niya no'n dahil mukhang wala lang sa kanya iyon. Pero hindi ko maiwasang maging masaya dahil kahit maraming babae na siya ang nakauna, sa akin lang siya ganito. Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Inamin kong gusto ko siya. O posible bang lagpas pa sa pagkagusto ang nararamdaman ko? Sa palagay ko'y parehas kaming walang ideya. Marami man siyang naging babae, bago lang sa kanya ang magkagusto sa isang babae. Katulad ko na ngayon lang din may nagustuhan. "What the fvck is your problem?! Did you really mean that?! Ayaw mo talaga?!" Napaupo ako sa malakas na pagmumura niya pagkalabas sa banyo. Matalim ang iginawad niyang tingin sa akin. Kahit naliligo mukhang iyon ang nasa isip niya. Kahit ang pagpunas niya gamit ang maliit na towel sa kanyang buhok ay may kasamang galit. Nakatapis siya ng puting towel. Labas ang v-line. Preskong presko na siya. Samantalang ako, hindi pa nakakapaglinis. "What the fvck is wrong with me? Pagkatapos mong gamitin ang katawan ko, gano'n na lang? Bakit tinatanggihan mo na naman ako?" Kung anu ano na lang ang sinasabi niya. Hindi pa rin makapaniwala. Hinagis niya sa katabing sofa ang hawak na towel at lumapit sa akin. Napaatras ako at halos kapusin ng hininga nang itukod niya ang dalawang kamay sa kama at ilapit ang mukha sa akin. Pailalim niya akong minasdan. Naninimbang ang titig niya na para bang inaalam kung seryoso ako. Binasa niya ng dila ang labi niya at nagsalita. "Let's retry. I'll let you use my body again and let's see if after your several orgasms you'll say yes?" Nanlaki ang mga mata ko at bago niya pa ako mahalikan, naitulak ko na siya. Natawa siya kahit alam kong badtrip pa rin siya sa akin. "Anong several? Hindi ko pa kaya!" Tinaasan niya ako ng kilay at ipinakita ang nang-uuyam niyang ngisi. "Hindi mo kaya? Kanina lang ang yabang mo na kaya mo maglakad? You are my girlfriend, Clementine. I will no longer accept rejection from you after I deflowered you." I swallowed and stared at him for a long time. Matagal naglaban ang tingin namin. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na sasabihin niya ito. Hindi ko inasahan na sa kanya ito manggagaling. Nang magseryoso ulit siya, napalabi ako at tumango. Tinigilan na ang kakabiro sa kanya dahil wala naman akong balak na bastedin siya matapos niya akong paduguin. Kaya lang kasi... "Payag akong maging girlfriend mo. Pero..." Malalim ang titig niya at naghihintay sa karugtong ng sasabihin ko. Kaninang naiisip ko hindi ako nakaramdam ng kaba. Akala ko madali ko lang masasabi. Ngayong nag-uusap kami ng seryoso at isinasatinig ko na, kulang na lang maging pipi ako. Naisip ko kasi na magagalit siya. "Pero pwede bang walang makakaalam?" Pagkasabi ko no'n, matagal pa niyang nakuha ang ibig kong sabihin. Ilang segundo pa bago ko siya nakitaan ng emosyon sa mata. Nagsalubong ang kilay niya at may galit pa rin. Nang matanto ang sinabi ko, unti unti 'yong nawala. Nagkatinginan kami. Tumuwid siya ng tayo at naglakad papunta sa gilid ng kama. Nakapamewang siya habang kunot noong dinudungaw ako. "Walang makakaalam? What do you mean? Ayaw mong ipaalam sa mga magulang mo?" Umiling ako. Nakatingala ako sa kanya at iniiwasan na bumaba sa kanyang katawan ang mata. Baka kasi kahit masakit pa, ako pa ang humila sa kanya sa kama. "Hindi lang sa kanila. Sa lahat. Sa school. Sa mga kaibigan ko. Sa mga kaibigan mo. Sa Lola mo. Sa mga magulang ko." Naguguluhan siyang umupo sa kama at inabot ang isang kamay ko. Ang tubig sa buhok niya ay tumutulo sa kanyang balikat pababa sa kanyang dibdib at matigas na tiyan. Nawawala ang tubig pagkadikit no'n sa puting towel na nakabalot sa bewang niya. "You mean you want us to be a secret? You want a secret relationship?" Tahimik akong marahan na tumango. Nasa kamay na namin ang tingin ko. Magaan ang hawak niya sa kamay ko. Hindi ko kayang salubungin ang intensidad ng tingin niya. Something in the way he looks at me has changed and that makes my stomach spin in pleasure. "Why do you want us to be a secret? Is it because I am your first boyfriend? Unang girlfriend din naman kita." Aniya sa tono na kinukumbinsi ako na ipaalam namin. Umakyat sa mata niya ang tingin ko. Wala nang galit doon. Napalitan na iyon ng naguguluhan na titig sa akin. Huminga ako ng malalim. Hindi ko rin alam kung bakit ayoko. Ang alam ko lang ayokong malaman ng kahit na sino. Siguro dahil maraming mabibigla? At ayokong mapag-usapan kami sa eskwelahan. Ayoko rin na mag-isip ng masama ang mga magulang ko tungkol sa akin. Kung malalaman ng mga magulang ko, pagsasabihan nila ako at baka patigilin pa. Baka bumaba ang tingin nila sa akin? Baka madisappoint ko sila? "O nahihiya ka na malaman nila na boyfriend mo ako? Dahil ba mabisyo ako? Dahil tamad mag-aral? Dahil sugarol ako? Babaero? Walang direksyon ang buhay? Because I'm every bad thing and bad thing will going to ruin your good reputation?" Umawang ang labi ko at napamaang sa kanya. Hindi naman galit ang boses niya ganoon rin ang kanyang mga mata. Talagang naguguluhan lang siya at gustong malaman ang rason. Inisip ko ng mabuti at lumalabas na maaaring iyon nga ang dahilan. Tumingin ulit ako sa kamay niya na nakahawak sa akin. Umiling ako kahit maaaring tama siya. "Hindi ganoon..." Tumigil ako dahil baka nga ganoon iyon. "Pag isipan mo... Mabait naman sa akin ang tatay mo. I will apologize too to your mother for what I did on my first day here. Hindi ko kasi talaga alam kung anong pagkain iyon. I know I sounded arrogant that day, I'm sorry." Bahagya niyang hinila ang kamay ko. Base sa salita niya at paghila sa akin, hindi pa siya sumusuko na kumbinsihin ako. Umiling ako at nagbuga ng hangin. Hindi ko alam kung may makakapagpabago ba ng isip ko. Bago ako tumakbo sa ulan at may mangyari sa amin sa kubo, tanggap kong gusto ko siya. Ngunit ngayon na napag-isip isip ko ang maaaring isipin ng iba, nabahala ako. "Hindi ko alam kung kailan ko masasabi sa kanila. Hayaan mo akong magsabi. Kung... kung ayaw mo naman na itinatago..." Huminga ako ng malalim. Kung ayaw niya anong gagawin ko? "Totoong gusto kita Jax. Kaya lang..." Tumigil ako at nagbuga ulit ng hangin. Gusto ko siya. Gusto ko siyang maging boyfriend. Pero hindi ko gusto ang ideya na kakalat iyon at malalaman ng iba. Kinakahiya ko nga siguro siya? Kasi paano kung temporary lang ang pagkagusto niya? O temporary lang ang pagkagusto ko? Ayokong mapagtawanan at bumaba ang tingin sa akin ng mga tao dahil hindi kami ni Jax hanggang sa huli. Baka isipin nila na nilaspag lang ako ni Jax? Na na-challenge lang siya sa akin? Na pinagsawaan ako? Iyon ang madalas na marinig ko sa mga estudyante sa tuwing may mga pinag-uusapan sila na naghiwalay. Ayokong dumating ang araw na ako naman ang pag-uusapan nila. Tama ulit siya, ang dahilan ko ay natatakot akong mahusgahan. Natatakot akong madungisan ang magandang reputasyon ko sa paaralan. "Okay lang..." Napatingin ako sa kanya. I was surprised that his eyes were just serious and not angry. "Gusto ko. Ayos lang sa akin kahit patago muna." Gumaan ang pakiramdam ko nang lumabas ang dimple niya dahil sa maliit niyang ngiti. Parang kailan lang nagmumurahan pa kami. Ngayon sa malamig na kwarto niya ako matutulog. Kaming dalawa sa ibabaw ng malambot niyang kama. "Alright..." Tumango tango siya kalaunan pagkatapos ng ilan sandaling pag-iisip. "I don't know how relationship works. But if that's what you want, I'll respect your decision as my girlfriend." "Sigurado ka? Hindi masama ang loob mo? Ayos lang sayo?" May pagdududang tanong ko. Kahit 'di ko kita alam kong may gulat sa aking mukha. Hindi kasi ako makapaniwala na pumayag siyang gawin ko sa kanya ang ginagawa niya noon na pagtatago sa mga babae niya. Madalas sa mga tao, ayaw nilang ginagawa sa kanila ang ginagawa nila sa iba. Pero dahil hindi na namin kailangan na pagtalunan ito ni Jax, nakahinga ako ng maluwag. "Uh-huh. As long as I know that you are my girlfriend... at alam mo rin na boyfriend mo ako." Ngumisi siya. "Wala na akong pakialam sa iba." Napalabi ako na naging ngiti. Inalalayan niya ako pababa sa kama. Dinala niya ako sa banyo. Binuksan niya ang shower at tinimpla ang temperatura bago ako ulit harapin. "Take a shower. I will tell your parents that you will spend the night here and I'll take you home tomorrow."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD