Hiyang-hiya ako sa nangyari. Siguradong nakita niya lahat. “Ano ba, Keaton!” halos maiyak kong sigaw at tinakpan ang sarili kong basang-basang gamit ang manipis na tuwalya. Pinaghahampas ko sa likod niya ang basang labahan na nadampot ko, hiyang-hiya at nanginginig sa lamig. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Matagal na panahon na no'ng makita namin ang katawan ng isa't-isa. "Look, I was shocked. Kasalanan ko bang sumigaw ka? Nag-alala lang ako, Mari." At talagang pumihit pa siya paharap sa akin. “I said, turn around!” sigaw ko ulit habang pinapalo siya sa balikat, sa likod, kahit saan ko siya pwedeng mahampas na hinayaan lang din niya. "Hindi mo kailangang takpan, Mari, nakita ko na lahat sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?!" "Oh, you heard me, honey

