Hapon pa lang, ramdam ko na ang bigat ng katawan ko. Wala si Aling Lolita buong araw, may sinat pa rin daw siya, kaya ako muna ang sumalo ng lahat. Ang alam ko, nandoon siya sa tindahan kung saan kami unang nagkita noon. Pawis na pawis na ako, amoy bleach na ang palad, at namamanhid na rin ang talampakan ko. Hindi pa rin ako nakakakain mula kaninang umaga. Pero pinilit ko pa ring tapusin maglinis, kahit hindi ko na halos makita ang dinadaanan ng mop. Kailangan ko 'to matapos bago sila dumating. Ngayon daw darating sina Sir K at Sir Khalil. Iyon ang sabi ni Aling Lolita. Pero huli na pala ako. Umalingawngaw ang busina ng kotse mula sa driveway. Napalingon ako. Kinakabahan. Nanghihina. Si Sir Keaton. Kasama si Sir Khalil. Bumaba sila ng sasakyan, parehong naka-long sleeves at mukhang

