Bago ako tuluyang makapasok ng bahay, nagulat ako sa sinabi niya, "Mari, samahan moko maligo. I'm sweating." Mabilis akong humarap sa kanya, nanlalaki ang mga mata kaya tinawanan niya ako. "Funny. Laki pala ng mata mo." "Kasi nahihibang ka na. Tama bang ayain akong samahan kang maligo? Kalalaking mong tao takot sa multo. Ayoko! Mag-isa ka!" Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. "Please? I'm scared, Mari. Hm?" "Ayoko nga!" Mariin kong tanggi. "Hindi mo naman kasi ako sasamahan sa loob. Well, unless gusto mo. Walang problema," asar niya kaya sinamaan ko ng tingin. "Manyak!" singhal ko pero sa huli napapayag ako dahil si Aling Lolita na ang nakiusap. Ang malala, kinailangan ko pa siyang hiraman ng damit pamalit bago tumungo sa banyo sa likod ng bahay. "Hindi naman

