THIRD PERSON POV Nagtawanan ang mga kaibigan ni Keaton nang sabihin ni Mari na gin bilog daw ang hanap niya. "Really? The cheaper one? Akala ko pa naman 'yong matapang na—" "Hindi ba't matapang 'yon?" sansala ni Mari kay Tob na tila napaka-inosente. "Kapag nakaka-anim na bote ako, nahihilo agad ako. Pero masarap. Try niyo rin." Napanganga ang tatlong lalaki. "Anim na bote?! Tao ka pa ba?" Kumunot ang noo niya. "Bakit? Dapat ba sampung bote? Hala! Hindi ko kaya 'yon." Naiiling niyang saad. "Pero wala kayo no'n 'no? Ano bang available?" Nagkatinginan si Tob, Shaun at Bry. "Uh, ano bang gusto mo? Iyong matapang? Mild lang?" masuyong tanong ni Shaun na siyang katabi niya. "Ano bang pinakamatapang? Iyang iniinom niyo?" "Mari, you're not allowed—" "Ah, ito na lang sa'yo, Shaun. Akin na

