Chapter 3 – Cold War

1645 Words
Ang mag-asawa, dapat may pagmamahalan. Kahit kaunti lang, sapat na sana para simulan ang araw. Pero sa amin ni Bart, ni pormal na kasunduan nga sa setup ng lihim naming kasal, wala. Ang tanging malinaw lang ay ang katahimikan. Isang katahimikang unti-unting pumapatay sa natitira kong pag-asa. Sa opisina, perpektong CEO si Bart—professional, sleek, commanding. Walang espasyo para sa drama. Lalo na para sa personal na emosyon. Lalo na kung tungkol sa akin. Ako, na sa paningin ng buong kumpanya ay isa lamang ordinaryong empleyado. “Miss Lacosta, recheck the minutes from last week’s board meeting. I don’t want a single typo,” malamig niyang utos, ni hindi man lang ako tiningnan. Wala rin siyang paliwanag kung anong late meeting ang inatenan niya kagabi, o kung bakit isang linggo na siyang hindi umuuwi. At wala rin naman akong karapatang magtanong. “Yes, sir,” mahinang sagot ko. Kagat ko ang dila, pilit pinipigilan ang sarili. Kahit asawa niya ako, hindi ako pinahihintulutang makialam. Bawal manghimasok. Bawal... magpakita ng affection. Habang papunta ako sa conference room para ihatid ang ipinagawang dokumento at pina-recheck niya, narinig ko ang boses ni Kyline Hordan mula sa loob. Marketing executive. Kababata ni Bart. Flawless. Confident. Kung maganda ba siya… ewan. Basta makapal lagi ang make-up niya. Nakalikot ko ang tainga ko. Ang lambing kasi ng boses, ang sakit na nga sa tainga, nakakarindi pa ang laging pagdikit-dikit niya kay Bart. “Grabe ‘yong tawa niya,” bulong ni Jenny Trumata na halos ikinagulantang ko. Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya. Isa siya sa mga marketing assistants, under ni Kyline. “Ang landi,” dagdag pa niya, pabulong. “‘Wag kang maingay,” sita ko. Pero hindi ko naiwasang mapangiti rin. Mahirap pigilang hindi matawa—o hindi sumang-ayon. Sa mahigit isang linggo ko bilang sekretarya, si Jenny lang ang naging kaibigan ko. Siya lang ang nagpapaalala sa akin na tao pa rin ako. Hindi lang basta robot na sumusunod sa utos. “Okay lang naman sanang lumandi,” bulong niya ulit. “Pero huwag dito sa opisina. Diyos ko. Sa harap pa ng board!” Napatawa ako. Mahinang tawa, pero may kasamang kirot. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na hindi okay lumandi. Lalo na sa lalaking may asawa na. Lalo na kung nakikita ng asawa. Pero hindi ko masabi. Kaya idinaan ko na lang sa mapaklang tawa ang sakit. Pagpasok sa conference room, agad nagsimula ang presentasyon. Si Jenny, kahit nainis, ay propesyonal pa rin. Inilatag niya ang logistics, mga proposal, at metrics ng latest campaigns. Si Kyline? Nandoon ang focus kay Bart. Nakangiti. Naka-cross legs. Pabebe ang tingin. Hinihimas pa minsan ang balikat ni Bart na parang sila lang ang naroon. Ako? Ako na asawa, nasa gilid lang. Invisible sa mata nila. Ni sulyap, hindi ako nadapuan. Mula umpisa hanggang matapos ang meeting, wala akong ginawa kundi magsulat. Secretary ako. At invisible wife ni Bart. Natapos ang buong araw sa trabaho. Nakaupo lang naman ako sa opisina, pero parang nabuhat ko ang sako-sakong bigas. Ang sakit ng balikat ko. Bago tumayo, napatingin ako sa opisina ni Bart. Wala na siya sa loob. Nauna na siyang umuwi. Naiwan ako kasi may tinatapos pa akong utos niya. At saka may usapan rin kami ni Jenny na gumala. Hindi mawala ang ngiti ko habang bitbit ang mga pinamili namin ni Jenny kanina. Ito ang unang beses na gumastos ako. Namili ng mga bagay na gusto ko. Kahit paano, kahit ilang oras lang, nakalimot ako—naging masaya ako. Pagdating ko sa condo, eksaktong palabas si Bart mula sa kwarto niya. Naka-casual siya, hawak ang cellphone. Mukhang may pupuntahan na naman. Napatingin siya sa mga bitbit ko, pero hindi man lang tumulong. “Yes, schedule it after lunch. I don’t want dinner meetings this week,” sabi niya sa telepono. “May pagkain sa kitchen. Kumain ka,” sabi niya, matapos makipag-usap sa phone. Napatingin ako sa kanya. Unang beses ‘to. Unang beses na inaya akong kumain. “Kumain na ako,” mahina kong sagot. Malamig. Kasing lamig ng pagtrato niya sa akin. Pero tumalikod siya. Hindi man lang tinablan. Wala na rin siyang ibang sinabi at pumasok ulit sa kwarto. Umupo naman ako sa sofa. Sinilip ang mga pinamili ko. Ilang sandali pa, bumalik siya. Tahimik pa rin. May bitbit na siyang folder. “Don’t wait up,” malamig na wika niya. “Okay po, sir,” sagot ko. Parang nasa opisina pa rin kami. Saglit siyang napatingin sa akin. Parang may sasabihin pero saktong tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya agad, kasabay ng paglalakad papunta sa pinto. Pero bago tuluyang maisara, lumingon siya. “Kainin mo ‘yong sinigang. Bigay ‘yon ni Mommy. Sayang naman kung masisira.” Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung nakita niya. Tumayo na rin ako paglabas niya. Inilagay ang sinigang sa fridge. Busog nga kasi ako. Kinabukasan. Wala na si Bart nang magising ako. Pero ang sinigang ay mainit na. Napakamot na lang ako sa ulo. Siguro pinagalitan ni Mommy kaya bait-baitan na naman. Dali-dali akong kumain. At agad nang umalis papunta sa opisina. “Good morning, Anessa…” bati sa akin ni Jenny. “Good morning,” sagot ko. Nakangiti. Parang masaya. Walang saya sa pagiging secretary ni Bart. ‘Yon ang totoo. Lalo’t habang lumilipas ang mga araw, ramdam ko na lalong nanlalamig si Bart. Mas kampante siya o mas sanay na bilang boss kaysa asawa. “Ms. Lacosta.” Kauupo ko lang. Pero tinawag agad ako. Tumayo ako, lumapit sa kanya. “You’ll accompany us later to a meeting with the new investors. Prepare the contract drafts and drinks arrangement.” “Noted, sir.” “Kyline will handle the presentation. You take care of the background tasks.” “Yes, sir.” Wala na akong tanong. Sanay na rin akong sumunod. Hinanda ko lahat ng kailangan sa meeting. Inalam ko kung sino ang mga dadalo, ano ang gusto nilang mga alak o food. Pati ang venue ay sinigurado kong maayos. Walang dapat maging aberya. Four in the afternoon, nagsimula ang meeting. Full team present. Naka-power dress si Kyline, as usual. Halos lamunin ng pabango niya ang buong private room. Pero maayos naman ang presentation niya. Nasagot din nila ang mga tanong. May kaunting negotiation, hanggang sa pumirma ng kontrata. Joint partnership para sa isang bagong real estate development sa Tagaytay. High-stakes, high-return. Nang matapos ang deal, nag-aya ng tagay ang mga investor. Tradisyon daw ‘yon. Ako, first time pa sa ganito. Tahimik lang sa tabi. “A toast to new beginnings,” sabi ng investor. Nagtaas ng baso si Bart. Lahat sumunod. Ako, nag-aalangan pang iangat ang baso. Kung hindi dahil sa matalim niyang tingin, hindi ko hahawakan ang baso. Kainis lang. Alam niyang mababa ang tolerance ko. Pinipilit niya ako. So I drank. Napangiwi ako. Malakas ang hagod ng wine sa lalamunan ko. Mainit. Sumisipa. Pero nang akmang tutungga na si Kyline, biglang nagsalita si Bart. “She’s allergic. I’ll take her glass…” Hinawakan ni Kyline ang kamay niya. Maarte. “Bart, I can handle—” “No, Kyline,” sabay inom sa baso. Gentle. Protective. Sweet. “Awww, you’re so caring,” bulong ni Kyline, sabay kapit sa braso ni Bart. Tahimik lang ako. Hindi ako sa alak tinamaan, kundi sa dibdib. Sapol na sapol. Maya-maya, napahawak ako sa sentido. Ramdam ko na ang hilo, pero hindi ‘yon napansin ni Bart. Kay Kyline siya naka-alalay. Kay Kyline siya concern. Bandang alas-diyes ng gabi, natapos ang inuman. Lasing na ang lahat na sinundo ng mga katrabaho o karilasyon nila. At ako, nakasunod lang sa kanilang dalawa ni Kyline. Pilit pinapatag ang lakad ko. Si Bart naman, todo alalay sa kaibigan niyang hindi naman nakainom. Ang sarap batukan ni Bart. Gusto ko siyang sigawan. Sabihin na, Hoy, ako ang lasing. Ako ang alalayan mo! Pero wala nga akong karapatang magreklamo. “Mag-taxi ka na lang pauwi,” sabi ni Bart. “I’ll take Kyline home. Medyo gabi na, and malayo ang bahay niya.” Tumango ako. Walang kontra. “Sige po, hatid mo na siya… ingat po kayo…” Magalang pa akong nagpaalam. Pero ilong ko, umuusok. “Ingat ka rin, Miss Lacosta!” sigaw pa ni Kyline, habang nakapulupot sa braso ni Bart. Ngumiti ako. Kumaway din. Plastic siya… plastic rin ako. Lalo na’t may tama ako. Naiwan ako sa sidewalk. Tahimik. Pinapanood silang dalawa papunta sa sasakyan. Si Bart, matalinong tanga. Nakaalalay pa rin kay Kyline. Nakahawak sa baywang nito. Para bang binabakuran ito. Takot maagaw ng iba. Si Kyline, todo-kapit. ‘Yan nga ang gusto niya ‘e. Maka-isa kay Bart. Mga walang pakundangan. Mabuti na lang, agad rin akong nakasakay. Habang pauwi, ramdam ko na lalo ang hilo. Pinikit ko na lang ang mga mata. “Pwede kaya? Kahit isang gabi lang… ako naman ang mapansin niya?” Mapait akong napangiti. Heto na naman ako. Tapang-tapangan, marupok pala. Pagdating ko sa condo, agad akong humilata. Hinilot-hilot ang sintidong pumipintig-pintig ang ugat. Then, tumunog ang phone ko. Matamlay akong bumangon. Inilabas ang phone mula sa bag. Napaismid ako nang makita ang pangalan ni Bart sa screen. “Don’t wait up—Hindi ako uuwi.” Napatitig ako sa screen. Saglit na tumigil ang mundo ko. Sa ayos ba naman nila Kyline kanina… syempre, hindi na siya noon pakakawalan. “Ano ba ang bago?” reply ko, pero hindi ko magawang i-send. Binura ko na lang at piniling hindi mag-reply. Pagod na akong mag-invest ng emosyon sa lalaking walang kahit konting puwang sa puso niya para sa akin. Pinikit ko ang mga mata. Pilit pinapakalma ang damdamin. Pero ang isip ko, puno na naman ng katanungan. Darating pa ba ang hinihintay ko? Matatanggap pa ba niya ako bilang asawa? O hanggang sekretarya lang talaga ako sa mata niya—hindi niya kailanman mamahalin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD