Chapter 55

1104 Words

“Excuse me?” Napalingon si Toneth nang may kumalabit sa kanya. Nasa lobby siya ng ground floor at patungo na sana sa elevator. Kagagaling lang niya sa Emergency Room at nabigla siya nang makita ang isang matandang babae. “Yes po?” tanong niya. Matanda na ito. Tingin niya ay nasa eighty years old na ito. Medyo kuba na ito at kulubot na talaga ang balat. May hila-hila itong trolley at nakita niyang may mga gulay na nakabalot doon. “Kilala mo ba si Dr. Evelyn Juan?” tanong nito sa kanya. Of course, kilalang-kilala niya. Iyon lang naman ang doktor na mainit ang dugo sa kanya. “Yes po. I know her,” sagot niya. “Alam mo ba kung saan ang office niya?” tanong nito ulit sa kanya. Ngumiti siya. “Ang alam ko nasa second floor po siya. Nandoon po ang office ng internal department,” sagot niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD