Hindi inaasahan ni Toneth na talagang pupunta sa ospital ang kanyang ama. She thought na tatawagan lang ang director nila to let her use one of the operating rooms kaya laking gulat niya nang ipatawag siya sa opisina ng director at makita ang kanyang ama. Mabuti na lang at mabilis niyang naitago ang pagkagulat niya. Nang mabigyan siya ng go signal ng kanyang ama ay mabilis siyang lumabas ng opisina. Paglabas niya ay nabigla pa siya nang makita ang mga kaibigan niyang doktor. “I will be your assistant,” sabi ni Chad. Tumango siya. “Thank you,” sabi niya. “I will be your second,” sabi ni Alvin. “Then I’m just going to observe and inform the patient. Ako na maghahatid sa OR,” sabi ni Kent. Mabilis silang nagpalit ng damit. Isinuot nila ang kanilang mga scrubs. Pagpasok sa prep room

